CHAPTER 32 : COPE UP

27.9K 1K 383
                                    

#SAT9S


DEDICATED TO : NAJELA ARUMPAC PATARA



CHAPTER 32 : COPE UP



"Rhea, wake up." May malamig na hiningang dumadampi sa leeg ko. Hindi ko pinansin 'yon dahil inaantok pa rin ako at gusto ko makabawi ng tulog sa pagpupuyat na ginawa ko kagabi. Ngunit mayroong boses na gumigising sa akin. "Rhea , you'll be late. You might missed your flight."


"Hmm. . ." Umungol ako kasabay ng pagbaon ng aking mukha sa unan. "Five minutes."


"Oh, come on, feisty." Natatawang sabi niya. Hindi pa rin ako bumabangon. Inaantok pa rin ako at gusto ko  ang kumuha ng tulog. "Wake up. Your brother will call any minute from now. Could you please cut that 'five minutes ritual of yours' because we both know it usually ends up with an hour or two."


Hindi ko siya pinansin. Niyakap ko ang unan ko ng mahigpit. Biglang nag-ring ang intercom sa aking kwarto at sa wakas ay tinantanan ako ng gumigising sa akin. Muling bumibigay ang diwa ko sa akmang pagtulog. Ngunit hindi pa ata lumilipas ang limang minuto, lumundo ang kabilang side ng kama. The next thing I knew, dalawang malalaking bisig ang sumakop sa katawan ko at inangat ako mula sa kama ko. Tuluyan akong nagising at napilitang dumilat ng mata.


Ang una kong nakita ay ang nakangisi niyang mukha. His baby blue eyes twinkling in amusement as he watch me. Kung ibang tao lang siya ay mako-conscious ako sa kung ano ang itsura ko. But since he's not just any other guy, sanay na akong makita niya ang other side ko. I won't even mind if I looked like a mess right now.


"Shinn, I'm still sleepy." I whispered. I keep my defense down because I don't have enough energy to argue with this man. Pumikit ako muli kahit buhat niya na ako. Sumandal ako sa dibdib niya. Naramdaman ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.


"Sorry for exhausting you last night. Last naman na 'yon." Buong-buo ang kanyang boses ngunit marahan ang kanyang pagkakasabi.


"Mm, okay. Just let me have some sleep again." Inaantok kong tugon at akmang yuyuko sa mesa pero pinigilan ako ni Shinn kasabay ng kanyang marahang pagtawa.


"No, you're not going to sleep again, feisty." Naramdaman kong naglakad siya. I did not open my eyes. Nang marinig ko ang pagtunog ng chime sa double doors, alam ko na agad na nasa kusina kami. "Come on. Let's have some breakfast."


Nilapag niya ako sa isang high chair. Dumilat ako at nabungaran ko ang pamilyar na kusina ng apartment ko. Napilitan akong umupo ng maayos. Walang sandalan ang high chair kaya nanatili si Shinn sa likod ko. Hinayaan ko ang sarili kong sumandal sa malaki at mainit niyang katawan. Tinukod niya ang mga kamay niya sa mesa at tila ako nakulong sa mga braso niya.


"You awake now? Baka mahulog ka sa upuan." Bulong niya.


"I can manage." Humikab ako at pilit na isinantabi ang antok. "You should let me sleep instead. Istorbo ka."


Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon