CHAPTER 10 : JUDGE

30.3K 1K 278
                                    

#SAT9S


FB GROUP : KHIRA1112 STORIES



CHAPTER 10 : JUDGE



Hindi ko alam kung saang lugar kami dinala ng taxi. Basta, bumaba na lang kami ni Ren nung tumahan ako sa pag-iyak. Naglalakad-lakad kami. Puro city lights ang nakikita ko at nagtatayugang mga building ng hotels, condominium at iba-ibang kumpanya. Masarap sa mata ang mga ilaw pag gabi pero tinatabunan no'n ang mga bituin. Napapagod na ang leeg ko kakatingala. Nang hindi ko na matiis ay nilingon ko ang kabilang bahagi ng daan. Naro'n ang highway at sunud-sunod ang pagdaan ng sasakyan. Bumaling ako kay Ren.


"Nasa'n na tayo?" Nagkibit-balikat siya at agad na kumunot ang aking noo. "Hindi mo alam kung nasaan tayo?"


Umiling siya. "Sinabihan ko lang yung taxi na magdrive."


Tumingin ako sa wristwatch ko. "Siguradong hinahanap na nila tayo." Pinakita niya ang cellphone niyang nagriring. "Ba't hindi mo sagutin?"


"Gusto mo bang malaman nila ang nangyari sayo? Kasi pag sinagot ko 'to, magkukwento ako."


Napairap ako ng wala sa oras. "Huwag mo sagutin, kung gano'n. Pero pupwede ka na umalis. Iwan mo na lang ako rito."


"May pamasahe ka pauwi?" Tanong niya na nagpatigil sa akin. Napakapa ako sa aking bulsa ng wala sa oras at napapikit nang ma-realize na binigay ko kay Liza ang bag ko. Tumingin ako kay Ren at sumimangot. Ngumuso siya na tila nagpipigil ng ngiti.


"I knew it."


Huminga ako ng malalim. Ang malas naman. Sinwerte nga ang team ngunit ako naman 'tong sunud-sunod na kamalasan ang natamo. Kinalabit niya ako kaya muli akong napasulyap sa kanya. Tinuro niya ang 7/11.


"May gusto ka kainin?"


"Libre mo?"


Marahan siyang natawa. "Hayok ka talaga sa libre, 'no?"


Iningusan ko siya.


"Tara." Aya niya.


"Dito na lang ako. Hintayin kita." 


Tumango siya at iniwan ako. Umupo ako sa gutter. Wala naman akong natatanaw na guard kaya ayos lang siguro umupo rito. Pinagmasdan ko ang mga kotse na dumaraan sa highway. Hindi gaanong traffic dahil weekend.


"Here." Inabot sa akin ni Ren ang isang can ng Royal at isang hotdog sandwich. Nginiwian ko siya. Nakita ko ang hawak niya, coke in can at Tortillos. "Ba't hotdog akin? Dapat tsitsirya na lang din."


"Huwag na choosy. Libre na nga, eh," Binuksan niya ang coke at uminom ro'n. Napasimangot ako sabay kagat sa hotdog,

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now