CHAPTER 67 : THREE CHOICES

28.4K 854 360
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : CARMINA PEDROZA PAJUAY

(Note : Happy Birthday, Princess Aranda! Hehe. Belated. Lovelots!)

CHAPTER 67 : THREE CHOICES

Dumating rin ako sa punto na kahit anong paliwanag ang ibigay ko ay hindi maiintindihan ng ibang tao. Na parang kailangan ko pang isubo sa kanila ang bawat eksplinasyon para lang makuha nila ang ibig kong sabihin. Hindi ako humiling na sana kumampi sila sa akin o tulungan nila ako. Gusto ko lang manahimik sila para hindi lumala ang gulo at maayos ko ang gusot na nasimulan ko. Taliwas ro'n ang nangyari. . .

"Who's that girl, Ren?"

Kinompronta agad ako ni Shai pagdating ko sa bahay. Talagang hinintay niya ako para sa tanong na 'yan.

Huminga ako nang malalim at nanatiling kalmado. Hindi ko maintindihan kung ba't kailangang umakto siya nang ganyan. Na para bang may ginagawa akong masama. Nang makita ko siya kanina sa university, nagtaka ako kung anong ginagawa niya ro'n. Pero mas tumatak sa isip ko ang mukha niya habang nakatitig nang matalim sa akin. Do'n palang ay alam kong may iniisip na siyang hindi maganda tungkol sa akin at kay Georgia.

"Hindi ko alam kung ba't kailangan mong itanong 'yan." Balewala akong naupo sa sofa at nagtanggal ng sapatos.

"Ba't hindi mo na lang ako sagutin?" Aniya. "Ren, I've seen her with you a few times. Ba't parang iba ang nakikita ko sa'yo pag kasama mo siya?"

Marahas akong napalingon sa kanya. Bago pa ako makapagtanong ay dinugtungan na niya ang kanyang sinabi. "Nakita ko siya sa hospital. Dinalaw ka niya, di ba? And you were on your worst mood that day after her visit. Then, yung sa arena at marami pang pagkakataon. Tinanong ko rin si Manang Luz kung mero'n kang napapunta ritong babae. She said yes! Myembro raw ng team ninyo. Really, Ren? Kailan pa nagkaro'n ng babae sa men's basketball?"

"You're spying on me, aren't you?" Nagdududa kong tanong.

"So what if I'm spying my dear cousin na nagsisinungaling sa girlfriend niya? Ren, pinsan kita pero kaibigan ko rin si Rhea. How could you do this to her!"

Napatayo ako sa upuan. Hinarap ko siya at pinaningkitan ng mata. "Shai, of all people, ikaw ang masnakakaalam kung ba't tinago ko sa kanya yung nangyari. Don't overreact! Hindi ko naman 'yon itatago sa kanya 'yon nang matagal."

Patuya siyang natawa. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Ren? Do you remember what you taught her? The steps? Tayong dalawa ang nagturo no'n sa kanya. Didn't you tell her to be honest with you? You're being unfair to her! Alam kong tuso ka pero please naman. Ilugar mo. Tingin mo hindi masasaktan si Rhea once na malaman niyang hindi siya na-inform sa aksidenteng kinasangkutan mo?"

"Nagpaliwanag na ako sa'yo, Shai. Ilang paliwanag pa ba ang gusto mo? Sinabi sa akin ni Rhea na bumaba lahat ng grades niya ngayong sem and she wants to pass it all. Alam mo naman kung anong mangyayari kung hindi, di ba? Uulitin niya 'yon at matatagalan siya sa New Zealand imbis na isang taon na lang ang dapat naming hintayin. Ayokong ako pa ang mang-istorbo dahil lang sa isang maliit na aksidente."

"Maliit? Maliit lang ba 'yon? That was freaking car incident! Muntikan ka na ro'n! Ang swerte mo lang na 'yan lang ang nakuha mo." Humalukipkip siya sa harap ko. "And about Rhea's case, ipagpapalit ka pa ba niya para lang sa grades niya? Natural lang na mag-alala siya sa'yo! Ano naman kung umulit siya? It's not as big deal as your life. Nabababawan ako sa rason mo."

Napatiim ang bagang ko sa sinabi ni Shai. Mababaw para sa kanya ang raso'n ko? Damn. Mababaw bang iniisip kong ayokong masmahirapan si Rhea pag nalaman niya ang lagay ko? Mababaw bang rason na ayokong makaapekto sa future niya? Mababaw bang rason na ayokong magsayang kami ng panahon? Isang taon na lang. Ayokong  masayang ang effort niyang maipasa ang isang term pagtapos ay uulit lang rin pala. Mababaw 'yon para sa pinsan ko. Sobrang laking bagay no'n para sa akin.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon