CHAPTER 24 : PLEADING

30.7K 1K 384
                                    

#SAT9S



DEDICATED TO : LYRA ALBO



CHAPTER 24 : PLEADING



"Ang hirap." Sinubsob ko ang aking mukha sa binder. Narinig ko ang marahang pagtawa ni Ren sa tabi ko. Tinagilid ko ang aking ulo para tignan siya. Nakangisi siya habang nakapangalumbaba at ang tingin niya'y nasa akin rin.


Nasa bahay ako nila Ren. Dito kami dumiretso pagtapos ng klase. Magwoworkout sana kaming dalawa pero naalala kong marami pala akong gagawing homework. Imbis na katawan ko ang mapagod, utak ko ang na-workout.


"Need help?" Sabi ng katabi kong mukhang natutuwa sa pagiging helpless ko.


Ngumuso ako. "I suck in math. Masmahirap pa 'to sa mga plates na ginagawa ko."


Natawa siya. Marahan niyang kinuha ang binder ko. Inalis ko sa pagkakasubsob ng mukha ko ro'n at hinayaan siyang kunin ang binder.


"May rason pala talaga kung bakit Major in Mathematics na lang ang may free slot sa block section ng Educ nung nag-enroll tayo." Nakangisi niyang sabi habang tinitignan ang problem equation na homework ko. "This is basic."


Napairap ako. "Mukha mo, basic. Eh, di ikaw na." Napakamot ako sa aking kilay. "Dyan lang naman ako nag-i-struggle."


"Yeah. College Algebra at Trigo." Sinasagutan niya na ang assignment ko at sinilip ko 'yon. "Next sem may Analytic Geo, Solid. Then, Mechanics, Differential and Integral Calculus, Physics and more."


"May math ang Physics?" Napaungol ako. Muli akong napasubsob sa mesa. "I'm dying."


"Ginusto mo 'to, beh." Sabi niya sa mapang-asar na tono.


"Gusto ko naman, eh. Nag-e-enjoy ako sa mga plates ko. Nakakaurat lang kasi ang dami na nga no'n tapos dadagdag pa 'yang math na pasakit. Nakakaiyak na."


Lumingon sa akin si Ren. "Willing naman ako maging tutor. Isang kiss, isang number. Pag infinity, alam na." Humalakhak siya. Pinalo ko siya sa braso.


"Ewan ko sayo, Ren Manyak." Marahan akong tumawa at inilingan siya. Pinagpatuloy niya ang pagsasagot sa assignment ko.


Ang bilis ng araw. Midterm na agad. Parang kailan lang ay kasisimula palang ng first semester. Maayos naman nung una pero habang patagal ng patagal ay nagiging pasakit. Buti pa 'tong si Ren, papetiks petiks sa course niya. Kagaya ng sinabi niya sa akin dati, Education ang gusto niyang kunin. Major in Mathematics ang mokong. Tingin ko nga ay binase niya lang ang pagpili ng major sa kung ano ang may libreng slot nung nag-enroll kami. Hindi nga ata siya nag-isip ng matagal sa pagpili. Ibang klase talaga.


Wala pang thirty minutes ay naibalik niya na sa akin ang binder ko. Lahat ay may sagot at kompleto sa solution. Napanguso ako. Kung ako ang sumagot nito, aabutin siguro ako ng siyam siyam sa pagtitig lang.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now