CHAPTER 39 : MASK

27K 1.1K 649
                                    

#SAT9S


DEDICATED TO : Angelique Panti Bonifacio



CHAPTER 39 : MASK


Napatayo ako sa bench. Nanginginig ang mga kamay at nanlalabo ang aking paningin. Tumuwid ng tayo si Georgia at tinitigan ako sa paraang hindi ko gusto. Kung pwede lang magyelo ang paligid sa lamig ng kanyang tingin ay nangyari na. Habang ako naman ay halos sumabog na sa emosyon. Ang init na nararamdaman ko ay nagmula sa pagkulo ng aking kinimkimkim na sama ng loob.


"Ano? Hindi mo matanggap? Sasaktan mo ako? Go. Do it." Tumalim ang kanyang tingin. "But I won't stop talking."


"Hindi mo alam kung ano ang nasira mo."


Patuya siyang ngumisi. Kumuyom ang kanyang kamao. "Believe, alam ko. Alam ko ang puno't dulo pero bulag ka at sarili mo lang ang pinaniwalaan mo. Masyado mong minahal ang sakit at wala kang inisip kundi 'yon lang." Humakbang siya palapit. "Tapos ano? Kanino ibubunton ang lahat ng sisi? Sa akin, dahil ang tingin mo inagaw ko siya? Kay Ren, dahil nagkagusto siya sa akin at pakiramdam mo tinalikuran ka niya?"


Tinawanan niya ako at halos manginig ang labi ko sa pagpipigil umiyak. Pero kahit ano pang pagpipigil ang gawin ko, hindi nagpaawat ang aking mga luha at kumawala ang mga 'yon sa aking mata.


"Kung alam mo lang kung sa'n lahat 'to nagsimula. Inalam mo ba? Mukhang hindi. Kasi kung alam mo at nakinig ka man lang sa kanya, sana madali mong napatawad si Ren." Humina ang boses niya nang mabanggit ang pangalan ni Ren. Mastumindi naman ang sakit na nararamdaman ko.


"Yes, nagkagusto ako sa kanya pero pinigilan ko. Maniwala ka man o hindi, nagpigil ako dahil alam kong mahal na mahal ka niya at wala akong magagawa ro'n. Tinago ko sa kanya, tinago ko sa lahat. Alam mo kung bakit? Kasi ang taas ng tingin ko sa relasyon niyo! I admired Ren for being so loyal to you! And you know what, I even look up to you. Ang taas ng tingin ko sayo. Sinabi ko pa nga sa sarili ko na hindi ako papayag na makasira ng relasyon lalo na kung kasing perpekto tulad ng sa inyo ni Ren."


Hindi ko inalis ang tingin ko kay Georgia kahit halos hindi ko na siya makita. "Then, he confront me about it. He knew it all along. Na walang kwenta ang pagtatago ko dahil hindi siya manhid na tao. Alam mo kung ano ang ginawa niya? Pinalayo niya ako. Pinalayo niya ako sa kanya dahil iniisip ka niya." Umiling-iling siya at napakagat ako sa aking labi. Napaatras ako. "Kahit sa kahuli-hulihang choice na meron siya, inisip ka niya. He chose you. He was going to choose you over anything else. Dapat alam mo 'yon."


Oo, dapat alam ko 'yon! Dapat nga ay ipinukpok ko sa isip ko ang katotohanang 'yon. Marahil ay tama si Georgia. Nabulag ako sa sarili kong atensyon. Nasanay na ako lang ang priority. Nasanay na ako palagi ang inuuna. I became self-centered. I got so dependent on Ren and the thought of him being close to Georgia almost killed me.


"Lumayo ako. Nawala siya nang isang taon. Pagtapos nalaman ko na lang na wala na kayo at sobrang nanghinayang ako. Kasi yung relasyon niyo yung gusto kong mangyari rin sa akin pero kahit kailan hindi ko hiniling na mapunta si Ren sa akin at iwan ka niya." Tumiim ang bagang ni George at namula ang kanyang mata. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now