CHAPTER 64 : POINT IT OUT

23.9K 808 122
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : Marlotte Hazel Parergo Uniforme

CHAPTER 64 : POINT IT OUT

"Pakakasalan kita after graduation."

Iyon ang pinanghawakan kong rason para gumaan ang loob ko. Sa tuwing iniisip ko na tatlong taon pa kaming maghihintay, nababagot na agad ako. Walang nagtanong sa akin kung ayos lang ako sa ganitong set up maliban kay Rhea. The Marvals thanked me for convincing her, Dad praised me for being understanding but they never asked if I'm okay with it.

Siguro ay dahil hindi ko rin pinahalatang sobrang naapektuhan ako sa desisyong 'yon dahil sa loob-loob ko, alam kong pag nagpakita ako ng kahinaan ay gano'n rin ang mangyayari sa relasyon namin ni Rhea. So, I act normally. Hindi ko pinakitang hirap ako sa sitwasyon namin pero pag nag-iisa ako, madalas akong nakatulala kapag wala kaming komunikasyon.

Inisip ko na lang na pansamantala lang 'to. Hindi naman lilipas ang isang taon na hindi kami magkikita. Tatlong taon lang ang dapat tiisin. Pagtapos no'n, magagawa na namin lahat. Tatlong taon lang. . .

Pinasukan ko pa rin ang nalalabing buwan ng second semester pagdating ko sa Pilipinas habang si Rhea ay naghihintay ng first term niya sa New Zealand.

"Ren, parang lagi ka na lang mag-isa ngayon, ah?" Tanong sa akin ng isa kong kaklase. Sumagot ako ngunit hindi lumingon.

"Busy lang."

"Ren Delgado? Busy? Parang dati nakikipag-unahan ka sa paglabas sa room para mapuntahan mo agad yung girlfriend mo. Anong nangyari? Break na kayo?"

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ba't kailangan nila magtanong na parang kilala nila ako ng personal. Irregular student na ako ngayon at ang babaeng 'to ay kaklase ko sa isang subject lamang. Hindi ko siya close para magtanong siya sa akin ng ganyan.

"Eh ba't parang hindi ko na kayo nakikitang magkasama? Di ba Arki student ang girlfriend mo?"

Pumangalumbaba ako at patamad siyang sinagot. I'm not in the mood to talk with anyone regarding that matter. "She transfered."

"O? Saan?" Tila siya interesado ngunit nagkibit na lang ako ng balikat.

Pinag-iisipan ko kung sasagutin ko siya nang maayos o pabalang dahil wala namang kinalaman 'yon sa kanya. Bago pa ako nakaisip ng sasabihin ay may sumigaw na isa pang babae sa likod ko.

"Jannie Secillano! Grabe ka naman makapang-interrogate sa crush mo! Hinay naman!"

Namula ang mukha ng babaeng nagtatanong sa akin kanina at pakontrang sinigawan ang babae sa likod ko. Ngumuso na lang ako at hindi pinagtuunan ng pansin ang narinig. I don't have time for that. I don't need distractions.

Binuksan ko ang app kung sa'n madalas kaming magka-chat ni Rhea.

Rhea : Ren, sobrang bored na ako rito. Ang tagal pa ng pasok ko. Sa feb pa. I miss my friends. I miss you.

Sa tuwing sinasabi niyang namimiss niya ako, gusto ko na umuwi siya. Ngunit alam kong malabo 'yon. Masmadali pa kung ako ang pupunta ng NZ kaysa siya ang uuwi ng Pilipinas.

The first week was hell. Kahit anong isip ko na madali lang 'to ay hindi ko talaga magawang pagaanin ang loob ko. Nahirapan ako mag-adjust. Hindi madaling sanayin ang sarili na mag-isa lalo na't nasanay ako na nakakasama ko siya araw-araw. I always tell her that I miss her but the words couldn't describe even a half of my feelings. Hindi ko masabi sa kanyang sobrang nangungulila ako dahil madidistract ko siya. So, I keep it to myself. Mas tumindi ang pagpipigil kong makihati sa oras niya lalo na nung nagsimula na siyang mag-aral sa New Zealand.

Stuck At The 9th StepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon