CHAPTER 46 : REBOUND

26.6K 994 492
                                    

#SAT9S

DEDICATED TO : HERNS PRONOSO

CHAPTER 46 : REBOUND

I could feel her skin pressed on mine. She's sleeping inside my arms. Hinapit ko siya nang marahan para hindi siya magising.

I couldn't sleep. Kanina pa ako nakatitig sa kisame at medyo namumulikat na rin ang braso ko kung sa'n nakaunan si Rhea pero wala akong balak alisin 'yon. I stared at her sleeping figure. A tranquil scene to witness, very serene. What I'd give to make this moment last. I want to hold her close every time we're together. Ngayon lang nagkaro'n ng pagkakataon. Ngayon lang napagbigyan. Ang tagal kong hinintay nito.

Pero hindi ko inalis sa isip ko na ang mga nangyari kanina ay dala lang ng bugso ng damdamin. She's vulnerable and her vulnerability is contagious. Nakakababa ng tingin sa sarili. Lahat ng nakaaapekto sa kanya ay nakaaapekto rin sa akin. I love her that much. Hindi nawawala sa isip ko ang mga sinabi sa kanya ni Ren pati ang engkwentro namin sa opisina ni Tito Loren.

Why do we have to undergo to this kind of experience? Ba't hindi pwedeng makuha na lang namin ang nararapat na sa amin? Ba't kailangang masaktan, maiwan at mahirapan? Why do we have to keep on waiting for the right time? Hindi nga masiguro kung sino ang dapat mahalin pagtapos ay maghihintay pa sa panahon na walang kasiguraduhan.

Mahal ko si Rhea pero walang assurance na siya ang para sa akin. I don't believe in destiny. Ang paniniwala ko ay base sa realidad. You get what you pursue. Ang problema lang sa akin dati ay masyado akong mapagbigay at hindi ko nagawang ipaglaban ang mga bagay na dapat ay akin sa simula palang. Nakadadala rin pala. I'm not a selfish person and I've been selfless for too long. Panahon na para pagbigyan ko ang sarili ko. Ilang beses ko 'tong pinalampas at binigay ko pa sa iba pero sasayangin lang din pala. Kung alam ko lang na sa ganito mauuwi ang lahat at mahihirapan si Rhea ng ganito ay sana hindi ko na lang siya pinaubaya kay Ren.

Inayos ko ang buhok ni Rhea na tumatabon sa maliit niyang mukha. I kissed her forehead.

"You don't love me now, but I hope you'll love me soon." I whispered.

After all the years that have been wasted for nonsense, I wanna claim what should've been mine. I wanna gain the prize of my selflessness. She's the most valuable prize that I can have.

Taking advantage? Shameful but why would I care for what's beneficial and what's not, kung merong taong walang pusong inabandona ang babaeng pinakaiingat-ingatan ko? I experience unfairness at its worst case. Isa na 'to ro'n.

Pumikit ako at niyakap si Rhea. Pinilit kong kumuha ng tulog kahit magmamadaling araw na at maaga ang pasok bukas. Kung paano namin haharapin 'to sa pagsikat ng araw ay wala akong ideya. Bahala na.

Nagising ako na mag-isa na lang sa kama. Napabangon ako kaagad at hinanap ko si Rhea sa unit ko. I cussed when I realized that she already left. I picked up my phone and dialed her number. Hindi niya sinasagot ang tawag.

"Damn." Wala sa loob na nahagis ko ang phone sa kama. Binagsak ko ang sarili ko sa gilid at ilang segundong nakatungo sa sahig. My mind was blank. I can't think straight. Napasabunot ako sa aking buhok.

Tumunog ang phone ko at tinignan ko kung sino 'yon. My secretary is calling. Nakita ko ang oras at napahinga ako nang malalim. I'm late.

"Sir-"

"Yes, I'll be late. Paki-utusan ang team na maghintay. I'll be there in thirty minutes."

Nagmamadali kong tinungo ang banyo at binuksan agad ang shower habang naghuhubad ng damit. Pumikit ako at ninamanam ang lamig na nagmumula sa tubig ngunit agad na pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi. I can clearly recall the way we kiss, the heat from our skin, even that little friction we created. Her sobs along with her gasps and moans. The way she say my name. . .his name. I punched the tiled wall as I try to disremember a particular scene.

Stuck At The 9th StepWhere stories live. Discover now