Chapter 1: Welcome Back/Mystery Baby

5K 115 9
                                    

5years Later

Chloe's POV;

"Sigurado ba kayong kaya nyong dalawa?" tanong ni dad at tumango kami ni clyde "Mag iingat kayong dalawa lalo kana chloe anak.. Isang buwan na lang ang natitira para bawiin mo na ang crown" dagdag pa nya

"Masyado ng matagal ang pahinga at pag tatago ko sakanila.. Kaya gusto kong tapusin na lahat" sabi ko at ngumiti si daddy at niyakap ako

"Take care of yourself.. Susunod na lang kami ng mommy nyo kapag okay na lahat dito.." sabi ni daddy kaya ngumiti ako at bumaling kay mom

"Balikan mo na ang dapat mong balikan baby.. " sabi ni mom pero ngumiti lang ako ng mapait

"Sana ay may balikan pa ako mom" sabi ko at niyakap sya.. Maya maya pa ay dumating na sya

"Hi tito.. Tita" sabi ni eunwoo nang makapasok

"Ikaw ng bahala sa anak ko ah.. Wag mong papabayaan yan" sabi ni dad kaya natawa si eunwoo

"Baka nga po ako pa ipag tanggol nyan sa mga masasamang tao e.. " natatawang sabi nya kaya inirapan ko na lang sya

"Mom.. Dad we need to go na we'll see you soon " sabi ni clyde kaya tumango sila mommy

"May mga naiwang project pala ang kuya inigo mo sa company natin kaya ikaw na ang mag handle non ah.. " sabi pa ni dad tumango si clyde

"Paano ako? Anong gagawin ko don?" tanong ko pero hinagod lang ni mom ang likod ko

"Nung natapos ang kontrata mo sa military naospital ka ng dahil sa horizon kaya mas okay ng mag pahinga ka muna kesa mag trabaho.. " sabi ni mom kaya wala na akong nagawa

Maya maya pa ay nag paalam na din kami at agad na dumeretsyo sa airport.. Kasama ko ngayon si clyde at si eunwoo pauwi ng Pilipinas.. Pag akyat naman ng eroplano ay agad kong sinara ang bintana sa tabi dahil bumilis ang tibok ng puso ko

"Phobia?" tanong ni eunwoo kaya napaiwas ako ng tingin

"Alam mo naman yung nangyari sa'kin 3years ago.. " sabi ko pa at sumandal

"Okay okay i'm sorry" sabi nya at sumandal na lang sa upuan nya

"Hindi tayo pinapauwi ni mom sa dating bahay dahil delikado at madali tayong matutunton.. Kaya doon ka sa condo mo uuwi at doon ako sa condo ko uuwi.. Okay lang ba sayo?" tanong ni clyde

"Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi ko na parang nawawalan pa ng pag asa.. Pinikit ko ang mata ko at nakatulog din agad

----------

"Hey chloe.. Wake up we're here" dahan dahan kong idinilat ang mata ko at bumungad agad sa'kin ang muka ni eunwoo kaya tumayo na ako

"Nasaan si clyde?" tanong ko habang pababa kami

"Nasa labas na ng airport.. Tulog mantika ka kasi" sabi nya pero inirapan ko na lang

Dala dala ng tauhan namin ang mga gamit namin hanggang sa makalabas kami ng airport.. Alam ni eunwoo ang tungkol sa pamilya ko at sa kung anong kailangan kong gawin.. Simula nung umalis ako sya na din ang naging kasama ko at alam nya lahat kung ano ang pinag daanan ko 5years ago.. Pero anyway nag kanya kanya na kaming sakay sa kanya kanya din namin sasakyan kaya tinahak ko na ang daan kung saan ang dating condo ko.. Maraming pumapasok sa isip ko pero iisa lang ang tumatak don kung bakit ako nandito..

'Si damon.. Sana ay hindi pa ako huli.. '

Pag bukas ko ng condo ay napalinis at maayos na ang gamit.. Walang kahit anong nabago simula nung umalis ako dito.. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa at binuksan ang cabinet ko pero naagaw ng pansin ko ang nalaglag na picture kaya pinulot ko yun at nang makita yon ay napangiti ako..

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now