Chapter 19: The Trial Court

3.2K 112 12
                                    

Angel's POV;

Pangatlong araw na ng trial court pero ni isang ebidensya wala pa rin kaming hawak. Mas nagiging delikado ang sitwasyon dahil sa mga kasinungalingan na sinasabi ng abogado nila akira kaya naman patagal ng patagal ay nag kakaroon ako ng kaba sa dibdib na para bang hihimatayin ako sa nangyayari

"Anak kumalma ka.. Makakasama sa anak nyo ni andrew yan" pag papakalma ni mommy kaya huminga ako ng malalim at tumingin sa abogado nila akira na nag sasalita

"Wala silang matibay na ebidensya o kahit witness na hindi talaga nila yun ginawa ang kahalayan.. " sabi ng abogado nila akira at pinakita sa screen ang tatlong picture na kung saan yun yung mga natanggap namin na picture noon "Kung makikita sa litrato ang mga babae lang ang walang saplot at sila lang ang naka kumot.. Makikita din na kalat kalat ang damit nila sa kung saan at maaaring pinwersa silang tinanggal ang kanilang saplot.. At dahil inamin nila na nalasing sila nung gabing yun ay marahil wala na sila sa katinuan at nagawa nila ang kahalayan.. Walang kalaban laban ang mga babaeng ito sa lalaki ng katawan nila.. Yun lang po Your Honor" sabi pa nung abogado kaya napatingin ako sa Judge at parang kumbinsido ito sa mga sinabi nung abogado kaya nakaramdam ako ng pangingilid ng luha

'Hindi pwede.. Hindi pwede to.. '

"Mahina ang laban nila lucas.. Wala silang kahit anong matibay na ebidensya.. " rinig kong usal ni damon habang seryosong seryoso na nakatingin sa harap

"Kinakabahan na ako.. " rinig kong sabi ni madison na panay ang pag hinga ng malalim

Napatingin ako kila andrew at kita ko sakanila ang lungkot.. Nakita kong namumula na din anh tenga ni zeke at mukang wala na talagang magagawa.. Kapag nag kataon ay 7years ang itatagal nila sa kulungan at hindi ko yun kakayanin.. Napatingin ako sa gawi nila akira at halos manliksi ang mata ko nang makita kong nakangisi sya sa'kin

'Napaka demonyo nyong lahat!!'

"May gusto ka pa bang isalaysay?" tanong ng judge sa abogado nila andrew at kusang tumulo ang luha ko nang dahan dahan syang napapikit at yumuko

"No.. Hindi pwede to.. Hindi sila pwedeng makulong.. " rinig kong hikbi na ni keila kaya doon na ako naiyak

Napatingin sa'kin si andrew at mabilis itong tumayo at patakbong lumapit sa'kin tyaka nya ako niyakap kaya hindi ko napigilan ang sunod sunod na pag tulo ng luha ko

"Shshsh.. Mabilis lang ang panahon love wag ka mag alala ha.. Makakasama sa baby natin yan" bulong ni andrew pero umiling ako

"Ayoko.. Hindi ko kaya to mag isa love.. Ayokong makulong ka" usal ko at dahan dahan nya akong inilayo

"Maari bang bumalik sa upuan? Dahil hindi pa tapos ang mga kailangan kong sabihin.. " sabi ng judge pero tumingin ako kay andrew

"I love you.. " mahinang usal nya at dahan dahang lumayo at bumalik na sa kinauupuan nya kaya inalalayan ako nila mommy at tita na makaupo. Hindi ko na mapigilan ang luha ko at ganun na din sila madison at keila.. Napatingin ako sa parents nila zeke at lucas na halatang kinakabahan na din sa posibleng mangyari

"Walang matibay na ebidensya ang kabilang panig kaya naman.." sabi ng judge at tumingin sa gawi nila andrew "Sasamapahan kayo ng sexual harassment at makukulong ng pitong taon sa kulungan.." usal ng judge at hinawakan nya ang wood judge gavel o yung mukang martilyo na ipinupukpok kapag hinahatulan na ang mga criminal.. Sunod sunod ang pag tulo ng luha ko at nang dahan dahan nyang itinaas yun ay doon na ako napapikit at napahagulgol..

'Hindi maaari... '

Chloe's POV;

Tumingin ako sa oras ko at halos maiyukom ko na ang kamao ko sa inis..

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now