Chapter 36: FFMW Part 1

3.4K 111 15
                                    

Someone's POV;

"Hawak na ng crown princess ng RD si Luna.. Master" nag aalinlangan pang sambit nya kaya naiyukom ako ang kamao ko

"Ang tatanga nyo talaga kahit kelan! Ganun naba kahirap sainyong lusutan ang babaeng yon?! Mga g*go!" sigaw ko at hinagis ang wine glass na hawak ko sa kanang kamay kaya nabasag iyon "Kahit isang bagay ay wala na tayong hawak! Gusto nyo bang isa isahin kong pasabugin yang bungo nyo!" sigaw ko pa pero mga nag si yuko lang sila

"Kasama na din po ni luna ang pamilya nya.. At protektado po sila ng crown princess.." dagdag pa nito kaya napatayo ako at inayos ang damit ko

"Sa oras na magising si luna.. Sigurado akong sasabihin na nya ang mga nalalaman nya.. Kaya mag handa na kayo, dahil tatapusin na natin ang laban na'to.. " usal ko at unti unting gumuhit ang ngiti sa labi

'Humanda kana.. Dahil matatapos na ang maliligayang araw mo'

Chloe's POV;

Narinig ko pang naibagsak ni clyde ang baso na hawak nya nang mabuksan ko ang Digital Security Box. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.. Na blanko ang utak ko at tanging pag titig lang dun ang nagagawa ko

"Ang matagal na hinahanap ng RD ay nandito na.. " rinig kong usal ni kuya inigo

Nandito na silang lahat as in lahat lahat sila.. Ultimo sila Tita Max, Tita Mariz at Tita Kristella.. Pati na rin sila Tita Stacey, Tita Tiffany, Tito Ashton, Tito James at ang bumubuo ng buong Red Dragon ay nandito na sa Empire.. Nasa private room na si kurt kasama sila sunshine at ang anak at nanay ni kurt.. Kanina ko lang din nalaman na matagal na din palang sinusundan at pinapaalalahan ng nanay ni kurt si mommy..

"Ang Dragon Crown.. " usal ko habang dahan dahang kinuha sa loob yun at kumikinang pa ito na ani momg bago bago.. May pag ka bigat din sya

"Hindi ako makapaniwala.. " usal ni mommy nang makalapit sa'kin at pinag masdan ang crown "Si lola ang pinaka huling nag soot ng crown na'to.. " dagdag pa nya at lumapit sa'min ang isang red dragon na may dala dalang pabox na unan kaya doon ko inilapag ang dragon crown

"Aayusin napo namin ang Versailles coronation room at kailangan nyo na pong mag ayos.." sabi nito kaya napahinga ako ng malalim at tinignan ang nasa paligid kong lahat na sila ay nakatingin

"Mag aayos na ako.. " tatango tangong usal ko

"Sasamahan na kita sa kwarto kung saan ka mag papalit.. " usal ni mommy kaya marahan akong tumango

Nag lakad ako na lutang na lutang ang isip.. Ayaw mag sink in lahat lahat ng nasa utak ko. Kung panaginip lang lahat ng ito ay gusto ko nang magising sa napaka samang bangungot.. Ang empire na'to ay parang isang palasyo sa laki at bukod pa ang empire sa calif. Huminto kami sa isang malaking pinto na naka digital lock pero agad din na binuksan yun at napamaang ang bibig ko sa ganda ng loob.. Ngayon ko lang napasok ito dahil ito at ang Versailles Coronation Room ang naka lock sa matagal na panahon pa.. Pag pasok namin ni mommy ay agad na sinara ang pinto. Pinahinto ako ni mommy sa harap ng malaking salamin na ito at may binuksan syang isang malaking cabinet at masilayan ko sa salamin ang isang simpleng gown ngunit napaka ganda nito kung pag mamasdan ng mabuti.. Halatang matagal na ito dahil sa light na kulay nito..

"Ito ang Norman Hartnell Coronation Gown.." usal ni mommy at dahan dahang kinuha "Hindi ko nasilayan ang coronation day ni lola veronica.. Pero ang sabi ng papu mo sa'kin ay ito ang ginamit nya nung araw na isinoot sakanya ang dragon crown.. Hindi ko aakalain na ikaw pala ang susunod o ang huling gagamit nito.. " dagdag pa ni mommy

Walang lumalabas na kahit anong salita sa bibig ko dahil sobrang blanko na ng isip ko.. Dinaig ko pa ang nag trauma sa mga nangyayari.. Sa mga fantasy movies ko lang napapanood ang ganito pero hindi ko makapaniwala na nangyayari na'to sa buhay ko.. Dahan dahang lumapit si mommy at inabot ang gown sa'kin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now