Chapter 21: Being a CSM

3.3K 99 9
                                    

Chloe's POV;

Nang matapos akong mag sintas ng military tactical boots ay tumayo ako at humarap sa salamin tyaka ako nag pakawala ng hangin

'I'm going back to the hell.. Tsk!'

"Anak.. " napasulyap ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni mommy. Pumasok silang apat at napaka lungkot ng muka nila

"Babalik naman po ako.. Mabilis lang ako don" sabi ko at nakita kong maluha luha pa si mommy

"Hindi mo pa rin maaalis sa'min ang pag aalala anak.. That's a war fighting .. " maluha luhang usal ni mommy kaya lumapit ako sakanila

"That's my job as an army.." usal ko at tumingin sakanila "I'll be back soon.. Mabilis lang to" dagdag ko pa

"Maco-contact kaba namin sa phone mo kung gusto ka namin makausap?" pag aalalang tanong ni mamu kaya lumuhod ako sa harap nya para mag pantay kami dahil naka wheel chair sya

Umiling ako at ngumiti "Kailangan ko pong iwan sa locker ang hindi kailangan sa gera.. Tyaka wag po kayong mag alala isa akong CSM kaya hindi ako yung katulad ng natural na army na nakikipag patayan.." pag papagaan ko ng loob nila

"Pero kahit bali-baliktarin ang mundo delikado pa rin ang base nyo.. Katulad nung nangyari sainyo sa last mission, sumabog ang base nyo at namatay pa ang sinasabi mong kaibigan mo dun.. " sabi ni dad kaya napaiwas ako ng tingin at dahan dahan na tumayo

'Hindi ko makakalimutan si sergeant kang.. '

"I need to go.. Inaantay na ako ng military chopper" sabi ko at humarap kay mamu "Babalik po ako,  anong gusto nyong iuwi ko sainyo?" tanong ko kaya ngumiti sya at hinawakan ang pisngi ko

"Isang pirasong rose apo.. Yun lang ang gusto ko" sabi nya kaya tumango ako at humarap kay mommy

"Uuwi ako agad after ng mission.." sabi ko at sinukbit na ang bag pack

"Ayokong may kahit isang katiting na sugat sa katawan mo pag balik mo dito.. Understand?" sabi ni clyde kaya pabiro akong sumaludo

"Ikaw ng bahala dito.." sabi ko at tumango sya

"Nasaan ng pala ang chopper?" tanong pa nya

"Sigurado akong nasa taas ng building yun.." nakangising sabi ko at bumuntong hininga "Mauuna napo ako.. Kapag may pag kakataon heheramin ko ang telephone don para matawagan ko kayo.. " sabi ko, lumapit si daddy tyaka nya ako niyakap

"Nilagay ko sa bag mo ang mga meds mo. Wag mong kakalimutan yan" sabi nya kaya natawa ako

"Saan ka nakakita ng isang CSM na nag i-inhaler sa gitna ng gera?" iiling iling na biro ko kaya natawa sila

"Sige na.. Ihahatid na kita don at mukang kanina kapa inaantay, masyado kang pa vip. Dinaig mo pa ang general" sabi ni clyde kaya natawa kami

Nag paalam na ako kila mommy, daddy at mamu tyaka kami agad na umalis ni clyde.. Natunton agad namin kung saan ang chopper at nasa rooftop yun ng building kaya pag baba ko ay sinamahan pa ako ni clyde paakyat.. Pag karating namin sa rooftop ay nag taka ako dahil nandoon ang mga kaibigan ko kasama na rin sila damon at nandun din si eun woo kaya lumapit muna ako sakanila

"Cool.." usal ni zeke habang nakatingin sa military suit na soot ko

"Talaga bang aalis kana?" malungkot na tanong ni angel kaya tumango ako

"Babalik ako agad kapag natapos ang mission.. Mag iingat kayo dito" sabi ko at ngumiti sila pero napansin kong nakakunot ang noo ni damon na nakatingin sa'kin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now