Chapter 40: The Last Stand Mafia Queen

3.8K 107 17
                                    

Damon's POV;

Mabilis na inilabas sa ambulasya si chloe na basang basa at napaka putla.. Mabilis kaming sinalubong ni Dr. Ice

"Ideretsyo na natin sya sa OR dali!" sigaw nito at mabilis nilang itinulak ang stretcher na hinihigaan ni chloe

"Dre! Hanggang dito na lang muna tayo.. " pigil ni zeke sa'kin nang akmang susunod ako

"Arghh!! Nakakainis!" sigaw ko at kasunod non ang pag pasok pa ng isang pasyente at laking gulat ko nang makitang si king conan yun "Teka!" sigaw ko sa mga nurse kaya napatigil sila

"Kailangan nang dalin sa OR ang pasyente" sambit ng nurse pero walang alinlangan akong lumapit at agad na dinakma ang kwelyo nya kaya napangiwi sya "Sir!" sigaw pa ng nurse

"Kapag may nangyaring masama kay chloe.. Tutuluyan kita" nanginginig ang kamay ko sa galit habang nakahawak sa kwelyo nya

"B--bitawan mo ako.. " usal nya kaya pabalang ko syang binitawan at agad na umalis

Sumikat na ang araw dahil natagalan na hanapin si chloe sa ilalim ng tubig.. Si clyde ang sumagip sakanya at nang maiahon si chloe ay wala na itong malay.. Sa kalagitnaan nang pag iisip ko ay nag si datingan sila

"Asan ang anak ko?! Okay lang ba sya?!" rinig kong sigaw ni tita kylah at nag mamadali itong pumasok pero nang makita kami ay tumigil sya

"Nasa OR na sya mom.. Mukang gagawin na ang surgery sakanya" agad na napakunot ang noo ko nang marinig yun

"Surgery? Bakit kailangan isurgery si chloe?" nag tatakang tanong ko at kunot noo syang tumingin sa'kin

"Heart failure.. May heart failure si chloe at kailangan nyang sumailalim sa isang open heart surgery.." sambit nito at parang nilalamon na ako ng lupa sa narinig ko. Napakurap kurap pa ako at naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko

'Heart failure.. Bakit hindi nya sinabi?'

"Dre.. Okay ka lang? Sumama kana sa'min.. Susunduin na namin sila madison" sambit ni zeke pero wala ako sa sariling umiling

"Dito lang ako.. Kailangan ako ni chloe.. Mauna na kayo" sabi ko kaya napabuntong hininga na lang sya

"Kaya ni chloe yun.. Wag ka mag alala dre" usal ni andrew at tinapik ang balikat ko kaya tumango na lang ako pero bago pa sila tuluyang umalis ay lumapit si lucas

"Tapos na ang laban.. Mag pahinga kana dre.. Tawagan mo na lang kami kapag may kailangan ka, babalik na lang kami dito kapag nakapag pahinga na rin kami" sambit pa nya kaya tumango na lang ako at tinapik sya sa balikat nya tyaka sila tuluyang umalis

Napabuga ako ng hangin at umupo tyaka sumandal at ipinikit ang mata.. Sa tagal tagal ng panahon ay natapos na.. Natapos na ang dapat matapos.. At mukang dito na rin kami matatapos ni chloe dahil nangako akong titigilan ko na sya kapag natapos na ang laban.. At ito na nga yun..

'Tapos na ang laban.. At patapos na rin ang storya naming dalawa'

"Oh.. " naidilat ko ang mata ko nang marinig ko ang boses ni clyde at napatingin sa  cup na iniabot nya

"Salamat.. " usal ko at kinuha sakanya yun tyaka agad na ininom ang kape "Nasaan sila tita kylah?" tanong ko pa

"Pinauwi ko muna.. Wala pa silang tulog.. " sambit nya kaya tumango tango na lang ako "Ikaw? Hindi kapa ba uuwi? Ayos na ang lahat" dagdag pa nya

"Gusto ko munang intayin si chloe" sambit ko pero narinig ko ang pag ngisi nya

"Pwede ka naman bumalik mamaya.. Ilang oras ang surgery nya" sambit nya at humigop muna ako ng kape bago mag salita ulit

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now