Chapter 2: The Sad Reality

3K 111 0
                                    

Chloe's POV;

"Dadalin ko muna tong baby kay mommy.. Pinaliwanag ko na sakanya lahat at mukang naging excited pa nung sinabi kong papabantayan ko muna sakanya" sabi ni eunwoo habang karga karga ang bata kaya lumapit ako sa baby at pinisil ang pisngi nito

'Naalala ko yung karga karga ni damon na bata.. '

"Ni hindi man lang natin alam ang pangalan nitong baby nato.." sabi ko at parang nag isip naman si eunwoo

"Edi bigyan muna natin ng pansamantalang pangalan.. Hindi naman siguro masama yun diba?" tanong nya kaya ngumiti ako at tumango

"Hmm anong pangalan?" tanong ko

"Pag ako tinanong mo korean name ang ibibigay ko jan" sabi nya kaya napairap na lang ako

"Hmm.. Ano kaya kung liza?" tanong ko at tumango tango sya

"Hello liza.. Binigyan ka ni mommy chloe mo ng name! " sabi ni eunwoo habang nilalaro ang bata kaya bumubungisngis ito

"Sama ka muna kay daddy eunwoo baby liza ha.. Aalis muna ako" sabi ko habang pinipisil ang pisngi pero nalipat ang tingin ko kay eunwoo na nakatitig sa'kin ngayon

"Hindi mo ako masisisi kung bakit ayokong umalis sa tabi mo.. " sabi nya kaya napaiwas ako ng tingin "Napaka swerte ni damon kasi kahit lumipas ang taon sya pa rin yung gusto mo.." sabi nya at ngumiti ng peke

"I'm sorry eun woo.. " usal ko pero rinig ko ang pag ngisi nya

"Hindi mo kailangan mag sorry.. Kasi gusto ko'to at ginusto ko, i like you.. So much pero hindi ko sinabing gustuhin mo din ako dahil alam ko kung sino talaga ang gusto mo.. " sabi nya kaya ngumiti ako sakanya ng pilit

"Salamat kasi naiintindihan mo ako.. Salamat kasi simula nung una hindi mo ako iniwan" sabi ko at ngumiti sya medyi nagulat pa ako ng hatakin nya ako gamit ang isang kamay nya para yakapin ako habang ang isang kamay nya ay buhat buhat ang baby

"Kahit ganito lang chloe.. Masaya na ako, basta naaalagaan kita at napo-protektahan kontento na ako don.. Ang ayoko lang yung nasasaktan ka" sabi nya kaya napangiti ako at yumakap na din sakanya at tumingin kay baby liza

"Masyadong sweet ang daddy eun woo mo baby liza.." natatawa tawang sabi ko at narinig ko ang pag ngisi ni eun woo kaya kumalas na ako sa pag kakayakap at tumingin sakanya "Mag kita na lang tayo mamaya.. Mag iingat kayo ni baby liza" sabi ko at tumango sya

Nauna na akong lumabas tyaka ako dumeretsyo sa sasakyan ko.. Tinupi ko ang white long sleeve ko hanggang sa siko tyaka ko pinaandar ang sasakyan ko.. Papunta ako ngayon sa office ni clyde dahil balak ko ay tumulong pero sa kalagitnaan ng pag da-drive ko ay may naaninag akong pamilyar na muka kaya nang narealize kong sya nga yon ay tinabi ko ang kotse ko tyaka ako bumaba.. Tumakbo ako para maabutan sya..

"Mads! Madison!" sigaw ko at napalingon sya sa gawi ko kaya biglang nanlaki ang mata nya

"Chloe?!" gulat nyang tanong kaya tumango ako kaya patakbo syang lumapit sa'kin at agad akong niyakap "Omygosh!! Namiss kita! Saan kaba nanggaling at umalis ka ng walang paalam? Kelan kapa nakauwi? Anong naging balita sayo?" tanong nya kaya pinakalma ko sya

"Coffee muna tayo.. Doon ko ipapaliwang lahat" sabi ko pero umiling sya at hinawakan ang braso ko

"Mag kikita kita kami ni angel at keila sa restau. Sumama kana" sabi nya

"May dala akong sasakyan.. Tara" sabi ko kaya sumama na sya sa'kin.. Pumunta kami sa restau kung saan nandoon sila angel at keila.. Maya maya pa ay nakarating na kami at naunang pumasok si mads

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now