Chapter 13: Bunny♡

2.6K 85 5
                                    

Madison's POV;

Nandito kami ngayon sa grocery ni chloe dahil mamimili kami ng pagkain na dadalin kay angel.. Si keila ay nauna na sa bahay nila angel kaya kaming dalawa na lang ni chloe ang namimili

"Grabe ba talaga magutom ang buntis? Grabe pang isang taong pagkain ko na yata to ah!" sabi ni chloe habang binabasa ang listahan at tinutulak ang push cart

"Dragon yata dinadala nya hindi bata e.. Tapos nakakadiri pa minsan yung mini-mix nyang pagkain" sabi ko at rinig ko ang pagngisi si chloe

"Mukang pinag lilihian nga ako.. Panay ang kurot sa pisngi ko" daing nya kaya natawa ako

"Ayy nako te! Mas okay nang sayo nya ipag lihi yun wag lang dun sa ama ng bata.. Baka ipag lihi nya yun sa sama ng loob" pag bibiro ko at inabot ang biscuit tyaka inilagay sa push cart

"Kelan nya kaya balak ipaalam kay andrew.. Kailangan malaman na ng parents ni angel yun" sabi nya kaya napa buntong hininga ako

"Masyado kasing nag papadala sa bugso ng damdamin e! Ayan! Nag bunga grabe nauna pa sa kasal nila" sabi ko at napailing

"Ikaw wala ka bang balak mag asawa?" tanong nya kaya kunyari akong nasamid kaya natawa sya

"Kilabutan ka chloe! Eh ikaw wala kang balak mag asawa?" tanong ko pero mukang napasama yata ang pag tatanong ko dahil unti unting nawawala ang ngiti nya

"Kung ako tatanungin papakasalan ko talaga yun.. Kaso ang labo e.. " sabi nya at napailing

"Nakwento sa'kin ni keila na nag sinungaling ka sa kakambal mo about sainyo ni damon.. " sabi ko at napatingin naman sya sa'kin

"Paano nya nalaman?" takang tanong nya kaya napangisi ako

"Hindi mo alam? Inaya ni clyde si keila, nag date sila nung nakaraan lang" sabi ko at parang nagulat pa sya

"Parang bago sa pandinig ko yun ah.. Kahit kelan wala pa akong nabalitaan na nakipag date sya at sya pa talaga ang umaya" hindi makapaniwalang sabi nya kaya napangiti ako

"Nakakainggit nga e! Ang gwapo gwapo kaya ng kakambal mo" sabi ko at parang nandiri pa sya kuno

"Yun gwapo? Asa! Hahaha.. Mukang shokoy nga lang yun sa paningin ko e" natatawang sabi nya kaya mahina ko syang pinalo

"Gaga! Ilang taon mo na kasi nakakasama si clyde kaya ganyan ang tingin mo.. Paano naman kami? Jusko napaka cute pang ngingiti ng kakambal mo, malayong malayo sayo. Ikaw kasi parang walang pakialam sa mundo" pag bibiro ko kaya napangisi sya "Teka teka! Lumalayo ang usapan bakit ka nga ba nag sinungaling sa kakambal mo?" tanong ko kaya napabuga sya ng hangin at inabot ang prutas at nilagay sa cart

"Ayokong masira ang pangalan ni damon sa pamilya ko.." sabi nya at ramdam ang lungkot sa boses nya

"Paano kapag nalaman nila yung totoong pag trato sayo ni damon?"

"Sobrang magagalit sila.. Lalo na si daddy at clyde"

"Hindi ko sinasabing sumuko ka.. Pero chloe hindi na tama yung pag trato nya sayo.. Napaka layo na ng ugali nya noon" sabi ko at napangisi sya

"Kasalanan ko rin naman yun.. Siguro tiis tiis na lang talaga, malay mo sinusubukan lang nya ako" sabi nya at tinignan ako "Hindi kasi ako yung tipo na madaling sumuko.. " sabi nya at kinindatan ako tyaka sya naunang mag lakad

"So sinasabi mong madali akong sumuko ganon?" sarkastikong tanong ko at rinig ko ang pag tawa nya

"Wala akong sinasabi.. Ikaw lang nag sasabi nyan" sabi nya kaya napasinghal ako

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now