Chapter 12: Double Date?

2.7K 89 7
                                    

Keila's POV;

"Sabado ngayon.. Diba dapat nag papahinga ka na lang sainyo" sabi ni bea nang makaupo ako

"Wala akong gagawin sa bahay.. Mag iisip lang ako ng kung ano ano don" sabi ko at umupo naman sya sa tabi ko

"Hayy nako keila.. Hanggang kelan kaba magiging ganyan?" tanong nya at uminom ng kape kaya napa busangot na lang ako "Bakit hindi mo i-try humanap ng iba?" dagdag pa nya kaya napa tingin ako sakanya

"Ayoko non.. Baka ako pa makasakit" sabi ko kaya napailing sya

"Eh! Anong gusto mong mangyari? Babalikan mo yung ugok mong ex?" sarkastikong tanong nya kaya napairap na lang ako

"Hay nako bea! Ang dami mong sinasabi" sabi ko at tumayo dahil narinig ko ang pinto na bumukas

"Goodmorning sir ano pong order nyo?" tanong ko sabay tingin sa costumer at medyo nagulat pa ako nang makita sya "Clyde right?" paniniguro ko kaya ngumiti sya at tumango

"Keila right?" tanong nya kaya ngumiti din ako at tumango

"Ah.. Kunin ko na yung order mo" sabi ko kaya tumingala sya para makita ang menu

"Isang dripp coffee.." sabi nya at bumalik ang tingin sa'kin

"Anong size?"

"Grande.. "sabi habang nakangiti pa rin kaya pasimple akong kumagat ng labi dahil hindi ko maikakaila na napaka gwapo nya

"250pesos.. " sabi ko at inabot nya sa'kin ang 500

"Keep the change.." sabi nya kaya tumango tango ako tyaka sya nag hanap ng mauupuan at agad na umupo

Pinag masdan ko pa ang muka nya at dahil kambal nga sya ni chloe ay hindi nag lalayo ang itchura nila.. Dahan dahan akong tumalikod para gawin ang coffee nya at hindi ko maiwasang mapangiti habang ginagawa yun

"Uyy girl.. Baka naman sumagad sa tamis yan at mag ka diabetes ang gwapo mong costumer.." napa tingin ako kay bea na nakatingin sa'kin at halatang nang aasar sya

"Anong bang sinasabi mo jan.. " sabi ko at pilit na tinatago ang ngiti

"Asuss.. Pahumble ang ate mo!  Aminin mo.. Type mo yun no? Tsk! Hindi malabo, jusko napaka gwapo ng nilalang na yun at mukang mabait pa" ani mo'y kinikilig na sabi ni bea kaya hindi ko na napigilang mapangiti ng sobra

"Type? E kakambal yun ng kaibigan ko ano bang pinag sasabi mo jan.. " sabi ko at tinakpan na ang kape ni clyde pero kiniliti pa ako kuno ni bea

"Ayun naman pala e! Chance mo na yan malay mo sya talaga ang.. One true love mo" sabi nya kaya hindi ko napigilang mapatawa

"Masyadong malawak ang imagination mo hahaha.. Kakapanood mo ng mga fairytale yan" sabi ko at kinuha na ang coffee para iserve kay clyde

"Chuserang to!" rinig ko pang sabi ni bea kaya napailing na lang ako

Nag lakad ako papunta sa pwesto ni clyde at agad na inilapag ang coffee na inorder nya kaya napatingin sya sa'kin at agad na ngumiti

"Thank you.. " sabi nya kaya hindi ko na napigilan ang ngiti ko

"Welcome hihi.. " sabi ko at agad na ininom nya ang kape at tumango tango pa sya "Anong lasa?" tanong ko at sumulyap sya sa'kin

"Hmm.. Masarap, ikaw gumawa? " tanong nya kaya tumango ako at tumango na lang din sya

Babalik na sana ako nang maaninag ko si bea na umiiling iling at sumesenyas na umupo ako sa harap ni clyde kaya napasulyap ako kay clyde na iniinom na ang kape kaya huminga ako ng malalim at agad na umupo sa harap ni clyde

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now