Chapter 37: FFMW Part 2

3.2K 98 7
                                    

Damon's POV;

"Goodnews.. Nakakarecover na si Sir Dave pero kailangan pa rin nyang ipag patuloy ang pag inom nya ng mga nireseta sakanyang gamot.. " sabi nang doctor ni daddy at nakahinga naman ako ng maluwag dun

"Sabi ko naman kasi sainyo malakas ako" napangisi ako sa sinabi ni daddy kaya napailing ako

"Kaya mana ako sayo e!" natatawang sambit ko at natawa sila mommy

"Aba sa'kin ka kaya nag mana.. " pag rereklamo ni mom pero kinunutan sya ng noo ni daddy

"Anong sayo? Sa'kin kaya.. Nalasahan mo naman kung gaano kagaling mag luto si bruce e hindi ka naman masarap mag luto" pang aasar ni daddy at tinaasan sya ng kilay ni mom

"Hoy! Mr. Dave Jax Cortton for your information ah! Mas masarap ako mag luto sayo" singhal ni mommy at nakita kong natatawa na ang doctor ni daddy

"Kaya pala nung nag luto ka ng adobo puro suka.. Ano yun paksiw?" sarkastikong tanong ni daddy at natawa naman ako

"Nag kataon lang yun no! Tsk! Bahala ka nga jan" nawawalan ng pasensyang sabi ni mommy pero bago pa ito makaalis ay agad syang niyakap ni daddy

"Pag pasensyahan mo na doc.. Maikli pasensya ng misis ko e, asar talo pa" sabi ni daddy sa doctor

"Hahaha.. Wala po yun, ang saya nyo nga pong tignan.. Halatang masayang pamilya kayo" sabi ni doc pero parang naging awkward para sa'min tatlo

"A--ahh.. Syempre naman doc. Thank you po sa pag aasikaso ng therapy ni daddy" pag iiba ko na lang dahil mukang awkward na

"Nako.. Wala yun hijo, pero mauna na ako dahil marami pang pasyenteng nag aantay sa'kin" pag papaalam ni doc

"Sige doc thank you!" pag papaalam ni mom at tuluyan nang umalis

"Mom.. Dad mauna napo ako, may dadaanan pa ako" sabi ko at napangiti ng sarkastiko silang dalawa

"Si chloe?" nang aasar na tanong ni mommy kaya napangisi ako

"Walang duda na si chloe nga.." natatawang sambit ni dad at sumaludo pa ng pabiro "Makukuha mo din sya.. Tiwala lang" dagdag pa nya kaya sumaludo din ako ng pabiro

"Sir yes sir!" pag bibiro ko at aalis na sana nang mapansin kong nasa hagdanan na pala si veronica

"Goodmorning po.. Tita, tito.. Bruce" awkward na bati nito

"Goodmorning.. Aalis na ako" sabi ko at ngumiti sya pero hindi ko inaasahang lumapit sya at mabilis na pinatakan ako ng halik sa labi kaya medyo napaurong pa ako at napasulyap kila mom and dad na lumayo na papunta sa kusina

"Pupuntahan kita mamaya sa office mo.. Dadalhan kita ng lunch" pag lalambing nya habang nakayapos sa bewang ko

"Hindi na kailangan.. May lunch ako sa office at marami akong ginagawa" pag papalusot ko

Break na kami pero sya lang ang patuloy sa pag lapit sa'kin dahil kung ako daw ay nakipag break sakanya pwes sya daw ay hindi.. Hindi ko sya mapigilan sa mga ginagawa nya lalo pa't lagi kaming mag kasama sa iisang bahay..

"Wala akong gagawin dito.. " usal nya at ngumuso kaya tinignan ko sya ng deretsyo sa mata

"Umuwi kana sainyo.. Hayaan mong makasama ka naman ng mga pamilya mo" nang masabi ko yun sy natigilan sya at umiwas ng tingin tyaka napangisi

"Damon bakit ang dali sayo ha? Dahil kay chloe? Si chloe na lang lagi.. " naipikit ko ang mata ko

"Bakit ba palaging si chloe ang nadadawit dito--"

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now