Chapter 20: Goku and Vegeta

3.5K 101 15
                                    

Chloe's POV;

Dahan dahan kong naimulat ang mata ko at nasisigurado kong nasa kwarto na ako pero inilibot ko pa rin ang paningin ko hanggang sa napansin kong may nakalagay sa ilong ko kaya tinignan ko yun..

'Oxygen? Bakit ako may ganto?'

Napansin ko din na may tangke ng oxygen sa gilid ng kama ko kaya sinara ko yun at tinanggal ang oxygen na nakalagay sa ilong ko at dahan dahan akong tumayo pero agad akong napahawak sa gilid dahil naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko pero pinilit ko pa rin na tumayo tyaka ako lumabas

'Nasaan ang mga tao dito?'

Pag baba ko ay narinig ko ang ingay sa garden kaya dahan dahan akong nag lakad papunta don at naabutan ko sila na nasa garden pero nag taka ako dahil umiiyak si mommy

"Mom.. " usal ko kaya sabay sabay silang napatingin sa gawi ko tyaka lumapit sa'kin si clyde para alalayan ako

"How's your feeling anak?" tanong ni mommy habang nag pupunas ng luha

"I'm okay.. What's wrong?" pag tataka ko pero mas mabilis na tumulo ang mga luha nya pero umiling sya

"Namimiss ko lang ang papu mo.. Wala bang masakit sayo?" tanong pa ulit nya pero umiling ako

"Ngayon.. Kailangan mong uminom ng mga inireseta na gamot sayo pati na rin yung inhaler mo" sabi ni dad kaya kumunot ang noo ko

"Dad hindi ko kaila--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang ilapag nya sa lamesa ang isang maliit na plastic at nakita kong gamot na ang laman nun

"Anak makinig ka sa'kin.. Iinumin mo yan sa ayaw at sa gusto mo dahil yan ang makakapag palakas sayo" sabi ni daddy kaya inis akong umiwas ng tingin

"Dad kaya ko naman e.. Ayokong masanay sa gamot" sabi ko at sa puntong yun si mamu na ang nag salita

"Apo.. Makinig ka sa daddy mo dahil yan ang makakabuti sayo, at isa pa mas makakapag palakas sa puso mo yan.. " rinig kong sabi ni mamu kaya mas lalong kumunot ang noo ko

'Ano bang nangyayari dito? Bakit parang iba ang kinikilos nila?'

"Chloe.. Sumunod kana lang please" usal ni clyde kaya napa buntong hininga ako

"Bakit may oxygen sa kwarto ko?" seryosong tanong ko at tumingin sakanila "May nebulizer ako at hindi ko na kailangan ng oxygen" dagdag ko pa

"Mas makakabuti sayo yun anak.." sabi ni mom kaya sarkastiko akong napaiwas

"Ano ba talagang nangyayari dito? Hindi ko na kayo maintindihan.. " sabi ko at napahawak na sa sentido ko

"Excuse me ma'am, sir.. May bisita po" sabi ng katulong kaya napatingin kami sa dumating at parang doon ako nag karoon ng panatag na loob

"Eun woo.." usal ni clyde

"Pwede ko po bang isama si chloe? Wag po kayong mag alala iuuwi ko din po sya agad.. " sabi ni eun woo at nag mano pa kay mamu

"Sige.. Libangin mo muna sya" sabi ni dad kaya wala akong paalam na tumayo at agad na pumasok sa loob, naramdaman ko pa ang pag sunod ni eun woo kaya hinayaan ko na lang

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong nya nang makapasok kami sa kwarto ko.. Umupo muna ako sa kama ko at kumuha sya ng upuan at umupo sa harap ko

"Bakit parang ang weird nilang lahat.. Kung makapag paalala sila parang mamamatay na ako.." sabi ko at sumulyap pa sa oxygen na nasa tabi ng kama ko "Isa pa yan.. Alam mo bang ayokong ginagamot ako?" sarkastikong sabi ko at napailing "Pakiramdam ko napaka hina ng katawan ko.. Pakiramdam ko sa gamot na lang ako umaasa" dagdag ko pa

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now