Chapter 45: A Family

3.7K 94 8
                                    

Chloe's POV;

Nandito ako ngayon sa bahay namin sa California dahil sa medical mission at last day na namin dahil halos isang linggo na kaming nandito.. Mamaya na ang flight ko kaya nasasabik na rin akong umuwi. Ang medical mission namin ay ginanap sa military base at masaya akong nakadalaw ulit ako dun.. Nung una ay nagulat pa silang doctor na ako dahil ilang buwan pa lang naman ang nakakaraan ng mag resign ako sa military. Pero anway nandito ako sa dining area at inuubos ang gatas na tinimpla ko pero biglang may tumakip ng mata ko

"Sino to?" tanong ko pero hindi sya sumagot "Ice? Renzo?" tanong ko pa pero hindi talaga sya sumasagot kaya napilitan akong tanggalin ang kamay nya pero laking gulat ko nang makita ko sya

"Surprise!" sigaw nya

"Bakit nandito ka? Wala kabang trabaho?" tanong ko at agad syang napasimangot

"Wala muna bang imissyou o iloveyou jan? Tsk!"singhal nya at umupo "Hindi ako makatiis na malayo ka.. Kaya sinundan kita" dagdag pa nya kaya napailing ako

"Uuwi na rin naman ako mamaya eh.. Tsk!" usal ko pero ngumuso sya "Ano na naman yan?"

"Kiss ko?"

"Muka mo.. Kiss ka jan"

"Tsk! Ikakasal na tayo't lahat napaka damot mo pa rin sa kiss?" singhal nya at parang babaeng inirapan ako kaya saglit pang napataas ang kilay ko

"Aalis pa ako.. " usal ko pero parang wala syang narinig "Aalis kako ako.. Pupunta akong military base" pag uulit ko pa pero tumayo sya

"Ge.. Ingat uuwi na ako" sambit nya kaya napakunot ang noo ko

"Tsk! Parang nasa Quezon City lang tayo tapos uuwi ka ng manila?" sarkastikong tanong ko kunot noo syang tumingin sa'kin

"Eh! Ano ba'ng mapapala ko dito? Tsk!"singhal nya at nag sasalubong na talaga ang kilay nya kaya napangisi ako

'Mag su-super sayan na naman 'tong si san goku tsk! '

"Uuwi na ako.. " halatang nag tatampo na talaga sya kaya bago pa nya ako talikuran ay tumayo na ako at agad na niyakap sya

"Babe.. " usal ko at pinatong ang baba sa dibdib nya pero hindi nya ako tinitignan

"Tsk! Palibhasa alam na alam mo kung paano ako suyuin e.. " malumanay na sambit at dahan dahang ibinaba ang tingin sa'kin "Ikakasal na tayo.. Pero hanggang ngayon nahihirapan akong kunin ka?" dagdag pa nya kaya napakunot ang noo ko

"Ano ba'ng pinag sasasabi mo?"tanong ko at bumuntong hininga pa muna sya

"Kailangan ko pang hingin para halikan mo ako.. Kakaunti na rin ang oras na nakakasama kita tapos kapag kasama mo ako alam kong pagod ka sa trabaho pero hindi mo pinapakitang pagod ka.." usal nya at doon nawala ang pag ka kunot ng noo ko. Nakita ko sa mga mata nya ang lungkot kaya hindi ko maiwasang mag alala "Alam mo bang gusto ko nang mag kaanak tayo?" sa pag kakataon na yun ay napahigpit ang pag kakayakap ko sakanya

"Malapit naman na yung kasal ah.." mahinang usal ko at doon ko nasilayan ang simpleng ngiti nya

"Hindi na ako makapag intay.." halos pabulong na usal nya at yumakap na pabalik "Bakit wala akong makitang iba bukod sa labi mo?" dagdag pa nya at naibaba ang tingin sa labi ko

'Kissing Monster!'

"A--ano bang pinag sasasabi mo jan?" patay malisyang tanong ko at mas lumawak pa ang ngiti nya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now