Chapter 28: Stranger

3.3K 109 23
                                    

Andrew's POV;

1am na at nandito na ako kila angel para sunduin sya dahil papunta na kami sa isang isla ngayon kung saan may bahay bakasyunan sila damon doon.. At ano pa nga bang ganap dito.. Syempre ang birthday celebration ko at papunta kami ngayon sa Matukad Island. Ako ang susundo sa buong barkada dahil ang parents ko naman ay hindi makakasama pati na rin ang parents ni angel dahil sila ang nag aayos para sa darating na kasal namin. Ang masama nga lang dito ay kasama si veronica at ang lalabas don ay si chloe lang ang walang partner kaya medyo nag aalala ako sa magiging pag sasama sama namin pag karating don..

"Happy Birthday hijo.. " bati ni tita kaya napangiti ako

"Salamat po.. Sayang hindi kayo makakasama" usal ko pero umiling iling na lang sya

"Bonding nyo nang mag babarkada yan.. Mas mabuting sinusulit nyo talaga bago ang kasal.. At tyaka isa pa medyo malayo layo ang pupuntahan nyo kaya mabubugbog lang kami sa byahe" sabi pa ni tita at may inabot sa'kin si tito na isang maliit na box

"Regalo namin yan sayo.. Simple lang yan pero paborito kasi ng anak ko" sabi ni tito kaya binuksan ko yun at pabango ang laman "Ganyan ang pabango ko dati at halos sa'kin na dumikit yang si angel dahil sa pag ka hayok nya jan sa pabango na yan.." natatawang sambit nya kaya napangiti ako

"Salamat po hehehe.. Nasaan na nga po pala sya?" tanong ko

"Ayy nasa kwarto nya.. Puntahan mo na lang nakagayak na yun" sabi ni tita kaya nag paalam na muna ako tyaka ako agad agad na pumasok sa kwarto ni angel ng walang katok katok

"Ayy kalabaw!" napasigaw sya nang buksan ko ang pinto pero mas nagulat ako nang makita sya "Lumabas ka muna.. Mag bibihis pa ako" nag pipigil syang sumigaw habang sinasabi yun dahil nung pumasok ako ay saktong hindi nya naitakip sa katawan ang tuwalya pero ngayon ay halos pati ang carpet ay itaklob na nya

"Mag bihis kana.. " sabi ko at sinara ang pinto

"Eh.. Mag bibihis ako lumabas ka muna" sabi nya pero nag lakad ako papalapit sakanya at agad na umupp sa kama nya

"Mag bihis ka.. Bakit pinapalabas mo pa ako?" sarkastikong tanong ko at inirapan naman agad nya ako

"Hello.. Baka sumilip kapa e" nag iinarteng sambit nya kaya pinag krus ko ang braso ko

"Bakit ko kailangan sumilip kung pwede ko namang makita.. Tyaka wala ka nang dapat itago.. Dalawang beses ko nang nakita yan" sabi ko at nanlaki ang mata nya

Pinalo nya ako ng mahina sa braso "Manyak ka talaga kahit kelan.. Tigilan mo nga tsk!" singhal nya at inis na kinuha ang damit sa tabi ko at papunta sa cr kaya napangisi ako

'Talagang jan kapa sa cr.. Ayaw mo pa sa kama.. '

Sinundan ko sya at mukang wala naman syang kaalam alam. Pag pasok nya ay akmang isasara na nang iharang ko ang kamay ko

"Umalis ka nga.. Mag bibihis na ako" pag susungit nya kaya nakangisi akong pumasok at agad na nilock ang pinto ng cr

"Ako ang mag bibihis sayo.." usal ko at hinimas ang tyan nya "Baby chill ka lang jan.. Kikilitiin lang kita ng konti" dagdag ko pa pero pinalo nya ang kamay ko

"Tsk! Baka lumaking siraulo tong anak natin patay ka sakin.." singhal nya pero marahan kong hinapit ang bewang nya pero mas napangisi ako nang hindi sya pumalag "Kailangan ko nang mag bihis.. Lalamigin na ako" mahinhin na sambit nya pero agad kong pinatakan ng halik ang labi nya

"Hindi ka lalamigin.." hinalikan ko ang balikat nya at naramdaman ko ang pag higpit ng hawak nya sa balikat ko "Mas mag iinit kapa lalo" bulong ko sa tenga nya at hinalik halikan yun

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon