Chapter 35: The Mystery

3.3K 101 12
                                    

Chloe's POV;

Pabagsak akong humiga sa kama ko dahil sa pagod. Napabuga pa ako ng hangin bago ipinikit ang mata.. Maraming nangyari ngayong araw at masasabi kong mas lalong dumami ang gumugulo sa isip ko.. Sa mga nangyayari ay parang marami akong hindi alam na gustong gusto ko ng malaman. Sandali pa akong napangisi nang maalala ko ang high school life

'Totoo nga yung sinasabi nila na mas memorable talaga ang experience sa high school.. '

Agad kong naidilat ang mga mata ko nang biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yun

*Unknown...*

Napakunot ang noo ko dahil number lang ang nakalagay sa screen at wala naman akong natatandaan na pinag bigyan ko ng number..

"Sino to?" agad na tanong ko pero ang pag ngisi lang nya ang narinig ko kaya napaupo ako ng maayos "Kung hindi ka mag sasalita papatayin ko na'to.. " sambit ko at akmang pipindutin na

"T--teka.. Napaka ikli naman ng pasyensya mo" mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ko na ang boses nya

"Saan mo nakuha ang number ko?" inis na tanong ko

"Hiningi ko kay madison.. " usal nya kaya bumalik na lang ako sa pag kakahiga ko

"Oh anong kailangan mo? Anong oras na tawag kapa ng tawag" pag susungit ko

"I just want to hear your voice.. Or kung su-swertihin ako.. Masusulyapan man lang kita sa bintana mo" agad na nanlaki ang nata ko at napabalikwas ng tayo

"Nasa labas ka?" gulat na tanong ko at narinig ko pa ang saglit na tawa nya

"Yup.. Actually kanina pa ako dito, nag babakasali na makita man lang bago ako umuwi.." napalunok ako sa sinabi nya at agad akong napatingin sa bintana "Sumilip ka man lang.. Nilalamig na ako dito e" dagdag pa nya pero nag lakad ako papalabas ng kwarto

"Eh.. Sino ba kasing may sabi na pumunta ka diba? Tsk!" singhal ko

Wala ng tao sa baba dahil tulog na sila clyde kaya tahimik lang ako na bumaba dahil ayokong mahuli nila akong kasama si damon sa labas

"Sige na nga.. Uuwi na ako" usal nya pero bigla kong binuksan ang pinto at nakita ko syang naka tayo sa gilid ng sasakyan nya

"Kung kelan bumaba ako tyaka ka uuwi.. Loko ka pala e" walang ganang sambit ko at lumawak naman ang ngiti nya tyaka pinatay ang tawag. Lumapit ako sakanya ng konti at halatang inaantok na rin sya dahil sa mga mapupungay nyang mata

'Bakit ba hindi kita matiis? Ito naba yung sinasabi nilang karupukan?'

"Hindi ko aakalain na napaka espesyal ko pala sayo at bumaba kapa para makita ako.. " agad akong napasinghal nang sabihin nya yun

"Kapal mo.. Umuwi kana, kasal pa nila andrew bukas.. " pag tataboy ko pero humikab muna sya at pumormang nag papayakap kaya napa taas ang kilay ko "Ano yan?"

"Payakap? Bago ako umuwi.. " sambit nya kaya napangisi ako

"Kung umasta ka parang walang nangyari ah.. " sarkastikong usal ko at dahan dahan na nawala ang ngiti nya kaya medyo na guilty ako pero pinigilan kong wag mag pakita ng emosyon

"Kaya nga bumabawi ako.. Diba sabi ko uunti untiin ko.. " napaka sincere ng pag kakasabi nya isabay oa ang malamya na mata nya "Alam ko naman na hindi madaling maibalik sa dati.. Pero gusto kong mag simula ulit.. " gusto kong matuwa at mag pagulong gulo sa saya hanggang sa mag sawa.. Pero hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko dahil parang may mali

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ