Chapter 44: Eight Squad

3.5K 112 7
                                    

Damon's POV;

Nakangiti akong pumasok ng ospital at agad na dumeretsyo sa nurse station pero wala dun si chloe

"Oh! Boss!" napatingin ako nang batiin ako ni Dr. Renzo

"Oh! Ang taas ng energy mo ah! " sambit ko at ginulo ang buhok nya

"Ganun talaga pag pogi boss!" sabi nya kaya natawa na lang ako at napasulyap kay chloe na parating pero napakunot ang noo ko nang mag kasama sila ni Dr. Ice

"Bakit sila mag kasama?" tanong ko kay Dr. Renzo

"Hmm.. Galing sila sa meeting e" sabi nya at umupo na sa upuan nya

Pinag krus ko ang braso ko at tinitigan silang dalawa hanggang sa makarating sa pwesto ko.. Chineck ko pa kung soot nya ang singsing na binigay ko at napangisi ng bahagya nang makita kong soot nya

"Ang aga ng sundo mo ah!" pag bibiro ni Dr. Ice at pumasok sa nurse station

"Mas mabuti nang maaga.. Baka mamaya kung sino sino na pala umaaligid dito e" sabi ko pero natigilan ako nang hampasin ako ni chloe kaya hinimas ko pa ang balikat ko

"Ang aga mo nga.. Tatawagan pa lang sana kita" sabi nya habang may isinusulat sa chart

"Nauna akong mag out e.. Sila zeke maya maya mag a-out na rin" sabi ko at nang matapos syang mag sulat ay medyo nabigla pa ako nang yakapin nya ako sa harap ng mga nurse at doctor

Hindi nya ugali to pero napangiti na lang ako at niyakap sya pabalik at hinalikan sa noo.

"Yieee! Ang tamis ng pag ibig!" ani mong kinikilig na sambit ni Dr. Renzo kaya napangisi na lang ako

"Mauna kana kila andrew.. May ooperahan pa ako" nakangusong sambit nya kaya napabuntong hininga ako

"Hindi ba pwedeng sila Dr. Ice na ang gumawa nyan? Wala kapang tulog ah!" sabi ko at napangisi sya

"Sanay na ako.." sabi nya at inayos ang coat nya "Aabutin lang naman yun ng isa or dalawang oras kaya mauna kana susunod ako don.." dagdag pa nya at humalik pa muna sa pisngi ko

"Haysst!" singhal ko pero natatawa na lang sya at humarap sa nurse station

"Hey! Kiddo lets go!" pag aaya ni chloe kay Dr. Renzo

Sumaludo pa sa'kin si Renzo at agad syang inakbayan na parang bata ni chloe.. Dumeretsyo na sila nang lakad kaya napabagsak na lang ang balikat ko pero nagawi ang pansin ko kay Dr. Ice na lumapit

"Mukang kailangan mo munang makipag long distance relationship next week.." sambit nya akya kumunot ang noo ko

"Bakit naman?" kunot noo'ng tanong ko at ngumisi sya

"Mag kakaroon ng medical mission sa california.. At napag desisyunan kong si Dra. Chloe at Dr. Renzo ang isasama ko" sambit nya kaya napaawang ang bibig ko

"T--teka.. Ang daming doctor jan bakit si chloe pa?" tanong ko

"Kailangan din ng experience ni Dra. Chloe sa medical mission and pumayag talaga sya dahil ang medical mission namin ay para sa US military sa Calif." sambit nya kaya napabuntong hininga ako

"Tsk! Bakit hindi na lang si diane?" inis na tanong ko pero umiling sya

"May asawa't anak syang kailangan uwian.." sabi nya kaya inis akong tinignan sya

"Eh! Asawa ko rin naman ako ni chloe"

"Correction.. Magiging pa lang tyaka wala pa naman syang responsibilidad sayo.. Wala pa naman kayong anak" sambit nya kaya sinamaan ko sya nang tingin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon