Chapter 4: "Where do broken hearts go"

2.8K 95 5
                                    

Madison's POV;

Hindi ko alam kung paano sisimulan at kung saan uumpisahan.. Masakit at hindi maipaliwanag kung gaano kasakit.. Ilang buwan, linggo at araw ang nakalipas nang dumating ang araw na na aking kinatatakutan pero andito pa din yung sakit.. Sakit na gusto ko ng mawala, sakit na palagi ko na lang dala dala.. Para akong nasisiraan ng ulo sa tuwing naaalala ko ang litrato.. Litrato na dumurog sa puso ng pira-piraso.. Nasapo ko ang aking noo nang maramdaman ko ang luha kong kusang tumulo..

'Bakit ba ang tanga tanga ko?'

Nandito ako ngayon sa park kung saan nag lakad lakad ako para mag pahangin.. Para sa ganun ay mailibang ko ang sarili ko at makalimutan ng panandalian ang sakit pero nag kamali ako dahil sa pangalawang hakbang ko ay nasilayan ko silang dalawa.. Silang dalawa na mag kasama at papunta sa direksyon ko kaya naman para akong bato na natigilan hanggang sa makita nila ako. Nakita ko ang gulat sa mga mata nya at eto na naman ang puso kong gustong kumawala sa galit..

"Madison.. " usal ni zeke pero hindi ako sumagot.. Nailipat ko ang tingin ko kay ivy na nakatitig na sa'kin ngayon

"Long time no see.." sabi ko at hindi mawari ang reaksyon nya

"Madison pwede ba tayong mag usap.. " sabi ni zeke kaya nailipat ko ang paningin ko sakanya

"Anong kasinungalingan naman ang gusto mo pang sabihin? Hindi kapa ba napapagod sa kakapaliwanag zeke?" tanong ko at nilalakasan ang loob para hindi mamuo ang mga luha sa mga mata ko

"Hindi ko sinasadya yun mads hindi ka ba naniniwala?!" nauubusan ng pag asang sabi nya

"Sinadya mo man yon o hindi pareho lang yun zeke! Hindi mo alam kung gaano kasakit para sa'kin makita yung taong mahal kong may kasamang babae sa iisang kama.. Ano sa tingin mo ang iisipin ko non ha?! Nag gagaguhan na naman ba tayo?"

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko alam ang nangyari non.. Lasing ako non.. " sabi nya kaya napairap ako sa kawalan

"Ke lasing ka o hindi wala akong pakialam! Hindi ka malalasing ng ganon kung hindi ka nag sumama sa babaeng yan!" galit na sabi ko sabay duro kay ivy

"Party yon mads mygod!! Malamang may inuman don so bakit ako na lang lagi ang sinisisi mo?" tanong ni ivy kaya napa singhal ako

"Wag mo akong gawing tanga ivy! Babae din ako! Alam ko at alam mo sa sarili mong hindi aksidente lang ang nangyari nung gabing yon!" sigaw ko at nangilid na ang luha ko sa galit

"Madison please makinig ka naman sa'kin.. Walang nangyari sa'min ni ivy that night!" sabi ni zeke pero agad syang hinawakan sa kamay ni ivy

"Pero bakit wala na akong damit nung pag gising ko?" tanong ni ivy kaya napa pikit ako ng mariin at tumulo na agad ang luha

"The f*ck ivy!" sigaw ni zeke kaya napatingin ako sakanila at mukang galit na sya "Hindi ko alam kung bakit wala ka ng damit non pero sure ako na walang nangyari sa'tin at yon ang totoo!" sigaw ni zeke at napa hagulgol na ako sa puntong yun

"That's impossible zeke! Ikaw ang nag dala sa'kin sa kwarto at ikaw din ang guma--" hindi ko na pinatapos si ivy dahil napa hawak na ako sa dibdib ko sa sobrang pag iyak

"Tama na.. Tama na! Para nyo ng awa.. Tama na, pagod na pagod na ako. Pagod na akong isipin lahat ng yan, pagod na ako umiyak gabi gabi, pagod na akong pilitin yung sarili kong maging masaya, pagod na ako.. Pagod na ako sa sakit" hikbing usal ko at nakita ko pang lumapit si zeke... Pero bago pa nya ako makahawakan ay iniwas ko na ang katawan ko sakanya

"Sabi mo sa'kin noon hindi ko sya dapat pag selosan dahil ako lang ang mahal mo.. Zeke naman.. Bakit pinapahirapan mo ako ng ganito? Kung ginagantihan mo ako sa mga kasalanan ko then fine! Success ang plano mo!" hagulgol na sigaw ko pero nakita kong pumatak ang luha sa mga mata nya habang umiiling

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now