Chapter 39: FFMW Part 4

3.4K 110 16
                                    

Chloe's POV;

"Good morning Dra. Chloe.. " parang nag aalinlangan na bati ng mga nurse pero tanging ngiti ng pilit ang iginanti ko sakanila at nag patuloy na sa pag lalakad

*CRINGGGG!!* CRINGGG!!*

*Tita Ji Woon's Calling...*

Pumikit ako at huminga muna nang malalim bago yun sinagot

"Hello tita.. " usal ko

"Pauwi na ang daddy ni eun woo.. Napag usapan na rin naman ang tungkol sakanya.. " sambit nito kaya namuo na ang luha sa mga mata ko

'Brain Dead si eun woo at tanging machine na lang ang bumubuhay sakanya at sa oras na tanggalin yun ay wala na.. Tapos na.. '

"Alam kong sobrang hirap para sa'ting lahat na bitawan si eun woo, pero mas mahihirapan pa sya kapag pinatagal pa natin.." sambit nya at doon na tumulo ang luha ko at napahawak sa gilid at pinipigilang mapahikbi

"T--tita.. Parang awa nyo na.. K--kahit isang buwan pa.. Hindi ko kaya" napipiyok na sambit ko at narinig ko na ang oag hikbi ni tita sa kabilang linya

"P--pag usapan natin yan.. K--kapag nakauwi na dito ang daddy nya.." sambit ni tita at agad na pinatay ang tawag kaya napahawak ako sa bibig ko habang pinupunasan ang luha

'Bakit si eun woo pa? Sana ako na lang.. Napaka bigat sa pakiramdam'

"Chloe.. " agad kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko ang pamilyar na boses tyaka ko sya hinarap

"Bakit nandito ka?" seryosong tanong ko sakanya

"Pwede ba tayong mag usap?" tanong nya kaya inis akong napaiwas ng tingin sakanya

"Damon tigilan mo na ako.." usal ko at narinig ko ang pag buntong hininga nya

"Gagawin ko ang gusto mo.. " sambit nya kaya mas lalong kumirot ang dibdib ko "Pero kailangan mong makipag tulungan sa'min.. Nag usap na si Chairman at ang daddy mo.. Mag tutulungan ang smithnix at ang red dragon laban sa mga horizon.. " dagdag pa nito

"Gusto ko munang manatili sa tabi ni eun woo.." usal ko at tumalikod sakanya at doon na ulit tumulo ang luha ko at pasimpleng napahawak sa kaliwang dibdib

'Hindi ko na maisalaysay kung gaano kahirap at kasakit.. '

Nag lakad ako papunta sa dereksyon kung saan ang kwarto ni eun woo, ramdam ko ang pag sunod sa'kin ni damon pero hinayaan ko na lang. Nang makarating ako sa kwarto nya ay hindi ko pa nabubuksan ang pinto ay mas lalong mabilis na umagos ang luha ko. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nasilayan si eun woo na nakahiga at napaka daming nakalagay na kung ano anong machine sakanya.. Gusto kong tanggalin yun dahil awang awa na ako sa sitwasyon nya pero sa oras na tanggalin ko yun ay tapos na ang buhay nya.. Dahan dahan akong lumapit kay eun woo at narinig ko pa ang pag sara ng pinto

'Sa dami ng masasamang tao sa mundo bakit si eun woo pa?'

Pinag masdan ko ang muka nya na parang hirap na hirap sa mga nakakabit sakanya, kaya kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa luha ay hinawakan ko ang kamay nya at idinikit yun sa pisngi ko at umiyak ng umiyak..

"Bakit si eun woo pa.. " hikbing usal ko nang makitang nasa kabilang side si damon

"I'm sorry chl--"

"Sana ako na lang!" pag puputol ko sa sasabihin nya at pumikit habang dinadama ang palad ni eun woo na hindi na ganun kainit

"Chloe wag kang mag salita ng ganyan.." rinig kong usal ni damon pero napailing ako at tumingin sakanya kahit na ang luha ko ay hindi tumitigil sa pag patak

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now