Chapter 43: Forevermore

4K 141 11
                                    

Damon's POV;

"Naka set up na lahat.. At lakas na lang ng loob ang kailangan mo" nakangising sambit ni eun woo kaya napa buntong hininga ako

"Bakit parang kinakabahan ako?" parang hindi mapakaling tanong ko kaya natawa sya

"Natural lang yan.. You just have to express your feelings" sabi nya at sinoot ang coat "Hindi mo na kailangan ng script para dun.." dagdag pa nya kaya napa sandal ako sa sofa

"Pwede ba sa susunod na araw na lang to?" tanong ko at nagulat ako nang hagisan nya ako ng unan galing sa kabilang sofa

"Engot.. Nag sayang ka lang ng panahon, tsk! Baka mag bago ang isip ko at agawin ko talaga sayo si jane"sambit nya kaya hinagis ko pabalik sakanya ang unan pero nasalo nya yun

"Tsk! Hindi magandang biro"singhal ko kaya natawa sya at umupo sa harap ko

Napasulyap pa ako sakanya nang marinig ko ang napaka habang pag buga nya ng hangin.. Malayo ang tingin nito sa bintana at ngumiti

"Please take care of her.." usal nya at tumingin sa'kin "Hindi ko kayang makita ulit si jane na nag hihirap ng sobra.. " dagdag pa nya

"Of course.." tanging usal ko at kinuha sa bulsa ang pinag kakaingat ingatan ko tyaka ko hinagis sakanya "Ipapaubaya ko muna sayo yan.." sambit ko at agad nyang tinago sa bulsa nya

"Parang noon lang pinag aawayan pa natin si jane sa school ah.." natatawang sambit nya kaya napangisi ako

"Alam mo bang surang sura ako sayo noon?" nakangising tanong ko

"Ako rin naman.."sambit nya at napailing "Tsk! Napaka basagulero nung mga panahon na yon.." dagdag pa nya

"Halata nga.. Pinabugbog mo pa ako sa mga bata mo" sabi ko at natawa sya

"Alam mo bang naiinggit ako sayo noon?" tanong nya at halata ang lungkot sa mata kahit na nakangiti sya "Kasi ikaw yung saglit lang nyang nakasama.. Pero alam kong mahal ka ng sobra" sambit nya at doon ako natigilan "Samantalang ako nung nasa HU pa kami.. Sa loob ng dalawang taon na panliligaw ko, hindi ko naranasan yung mga naranasan mo kasama si jane.. Kakaibang babae sya.. Sya yung hihilingin mong makita araw araw, sya yung hihilingin mong palaging nasa tabi mo.. At sya yung hihilingin mong makasama habang buhay. Damon napaka swerte mo sakanya, kasi sa mahabang panahon na nakasama ko sya.. Ikaw lang yung minahal nya ng sobra" dagdag pa nya at unti unti kong naibaba ang paningin ko

'Ang laking katangahan ang ginawa ko..'

"Nag bago ako para kay chloe.. At natutunan ko sakanya na pahalagahan mo ang isang bagay habang nasayo pa.. Napaka halaga ni jane sa'kin kaya wag mong susubukan na paiyakin ulit yun.." sambit pa nya kaya napabuntong hininga ako

"Salamat.." usal ko at napatingin sakanya "Kasi ikaw yung nandyan sa tabi nya nung mga panahon na wala ako at nag papaka bulag ako.." dagdag ko pa pero ngumiti sya at tumingin ng deretsyo sa mata ko

"Nung bumalik sya dito at nag kita ulit kayo.. " bumuntong hininga muna sya bago nag salita ulit "I saw the way she looking at you, and i knew that she still love you, more than that i know she always will.. It breaks my heart.. But you know what? I'm still in love with her.. And to me that means that i want nothing more than for her to be happy.. I want that more than anything.. And it's all I've ever wanted for her.." pag papatuloy nya pero agad na ngumiti "Kaya sana kapag nilaan na nya yung buhay nya sayo.. Pakaingat ingatan mo.. Dahil pinaraya ko sya ulit sayo, para sa kaligayahan ng taong mahal ko" dagdag pa nya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now