Chapter 5: REUNION DAY

3.3K 104 18
                                    

Chloe's POV;

"Sigurado ka bang hindi ka sa sama?" tanong ko kay eunwoo na dala dala ang bag ko

"May trabaho din ako.. At kailangan ako ni baby liza" sabi nya kaya tumango ako "Pero kung kailangan mo ako don.. Dadating ako" dagdag pa nya kaya napangiti ako

"Hayss.. Sana maging okay na lahat" sabi ko at nakita ko na naman ang pekeng ngiti ni eun woo

"If you really love him.. Then fight for him" sabi nya kaya mas napangiti ako

"I hope someday.. Mahanap mo yung para sayo" sabi ko pero napangisi lang sya

"Tsk! Kelan pa yun.. " iiling iling na sabi nya kaya natawa na lang ako "Tara na.. Susunduin pa natin mga kaibigan mo" sabi nya kaya lumabas na kami ng condo at agad na sumakay sa sasakyan ni eun woo

Hindi ako na ako pinag dala ni eunwoo ng sasakyan dahil mas gusto daw nyang maihatid at masunod nya ako dun kaya hindi na ako umangal pa.. Sinundo na namin sila Madison, keila at Angel at agad na hinatid kami ni eun woo kung saan gaganapin ang reunion.. Pag baba namin ay agad akong nag taka dahil hindi ganitong lugar ang inaasahan ko

"Ito ba talaga yun? O baka namali lang tayo?" rinig kong tanong ni madison pero umiling ako

"Ito yung address na nakalagay e.. " sabi ko at pinakita sakanila ang phone ko

"Hayss.. Akala ko pa naman sobrang ganda" sabi ni angel

'Kahit ako ay nadismaya tsk!'

"Paano tayo matutulog nyan ngayong gabi?" tanong ni keila at rinig ko ang pag sara ng pinto sa likod ng kotse kaya napalingon ako at nakita si eun woo na ibinaba ang gamit namin

"Si chloe kahit walang tulugan kaya yan.. " sabi ni eun woo kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya "Ito na yung mga gamit nyo.. Gusto nyo bang ihatid ko pa kayo sa loob?" tanong nya pero umiling ako

"May trabaho kapa.. Kaya na namin kaya mauna kana" sabi ko kaya tumango sya

"Thank You eun woo.. Hayss meron pa bang koreano'ng katulad mo? Makapunta na nga sa korea" pag bibiro ni madison kaya natawa si eun woo

"Ayy nako te sa Pilipinas pa lang palpak na lovelife mo mag ko-korea ka pa ah.. " sabi ni angel kaya inirapan lang sya ni mads

"Sige na mauna na ako, ingat kayo.. Chloe, tawagan mo ako kapag may kailangan ka ah.. Pupunta agad ako" sabi nya kaya tinanguan ko lang sya

Bumusina muna sya bago tuluyang umalis.. Dahan dahan kaming lumapit sa gate at pinakita ang invitation sa phone ko kaya agad kaming pinapasok.. Inilibot ko ang paningin ko, malawak ito at maraming puno'ng pumapalibot sa isang malaking bahay na nakalagay sa bandang gitna ng paligid na ito.. Sa di kalayuan ay nakita na namin ang mga batch mates namin kaya naman lumapit na kami doon..

"Chloe?" gulat na tanong ni sunshine nang makita ako

"Nice to see you again.." usal ko at binaba ang bag sa upuan

"Kelan kapa umuwi?" tanong nya kaya kumunot ang noo ko

"Nung nakaraan lang.. Bakit mo natanong?" tanong ko pero ngumiti sya

"Then welcome back" sabi nya kaya hindi ko na sya pinansin.. Kokonti pa lang ang tao kaya umupo muna kami

"I want to go home.. " sabi ni keila na malungkot ang tingin sa pool

"Ano kaba nandito na tayo oh.. Aatras pa ba?" tanong ni angel

"Hayss.. Kung sakaling dumating sila dedmahin na lang natin, nandito tayo para mag enjoy" sabi naman ni mads kaya may namuong awa sa loob ko para sakanila

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now