Chapter 30: Surrender

3.8K 113 21
                                    

Damon's POV;

Naiwan kaming dalawa dito sa hotel no veronica habang ang mga kaibigan ko ay hinahanap na ngayon si chloe dahil kagabi pa sya hindi umuuwi at hindi sumasagot sa tawag.. Pinipilit kong wag mag alala pero naiinis ako dahil hindi ko mapigilan.. Maya maya lang ay bumukas ang pinto at napatayo ako nang makita si chloe pero agad na kumunot ang noo ko dahil iba na ang soot nya at halatang panlalaki yun..

"Saan ka galing?" seryosong tanong ko "Pinag aalala mo ang mga kaibigan natin.. Wala sila dito at hinahanap ka sa labas" dagdag ko pa pero para akong nanigas nang tignan nya ako ng napaka lamig na tingin. Lalagpasan na sana nya ako nang hawakan ko sya sa braso nya at kasunod non ang pag bukas ng pinto. Kakarating lang nila lucas..

"Oh.. Chloe nandyan--" hindi natapos ni madison ang sasabihin nya nang pabalang na hinablot ni chloe ang braso nya na hawak ko

"Wag mo akong hawakan.. " walang emosyong usal nya kaya kumunot ang noo ko pero iniwas nya ang tingin sa'kin "Pasensya na kung napag alala ko kayo.. Mag papalit lang ako" parang buryong na sambit nya tyaka sya pumasok sa kwarto

"Anong nangyari don?" mahinang tanong ni zeke pero inis ko lang na tinignan ang pinto nya

'Tsk! Anong nangyayari don.. '

"Kailangan na natin umuwi after lunch.. May biglaang meeting sa kompanya" sambit ni andrew at nag kanya kanya na silang upo sa sofa

"Bruce.. Ipa-pack ko lang yung gamit natin" sabi ni ven kaya tumango lang ako

"Daan muna tayo Sa MU mamaya.. May kukunin lang ako kay uncle" sabi ko at tumabi kay lucas

"Uyy gusto ko yan.. Nakakamiss pumasok sa university na yun" sabi ni mads na tuwang tuwa

"Oh.. Kelan nyo naman balak mag pakasal?" mataray na tanong ni angel

"Hmm.. Siguro after na ng kasal nyo ni andrew. Baka sabihin mo tinalbugan kita kapag nauna pa kaming ikasal diba?" pag bibiro ni mads

"Eh! Kayo keila? Lucas? Wala kayong balak?" natatawang tanong ni zeke pero tinignan lang sya ni lucas

"Ano ba.. Hayaan mo sila! Masyado kang pakilamero" saway sakanya ni mads

"Tara swimming muna tayo.. Sulitin na natin yung oras hanggat nandito pa tayo" aya ni angel

"Hindi ba masama sa baby na puro swimming ginagawa mo?" tanong ni andrew kaya tinaasan sya ng kilay ni angel

"Sa loob ng tyan ko puro tubig sya don.. Tyaka maliit pa'to tsk! " pag susungit pa nya

"Osige na.. Mag palit na kayo" ani mong suko ni andrew kaya napangisi ako

"Dre.. Under ba ni misis?" pag bibiro ni zeke nang makapasok ang mga babae

"Ulol.. Parang hindi ka under ng magiging asawa mo ah" singhal ni andrew pero parang baliw si zeke na ngumiti ng pag kalaki laki

"Sarap sa pandinig yung 'Magiging Asawa ko' tsk! Naiinlove tuloy ako lalo" napangiwi kami sa inasta nya

"Bading!" sigaw naming tatlo nila lucas

"Tsk! Parang hindi naman kayo nainlove.. Mga ugok!" singhal pa ni zeke

"Kabadingan mo nanunuot na sa buto mo.." napapangising sambit ni lucas

Patuloy lang kami sa pag bibiruan at nag palit na rin ng damit na pang swimming.. Ang mga babae ay napaka hahapit ng damit at talaga namang pinag handaan nila ang sosootin kaya naman ang tatlong bugok kong kaibigan ay hindi maipinta ang muka nang makita nila ang soot. Ako ay hindi na bago sa'kin ang pananamit ni ven kaya wala na sa'kin yun

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now