Chapter 42: Make it with you

4.9K 111 22
                                    

[A/N: Sa nag tanong kung paano basahin ang pangalan nila zeke at damon ay ganito po yun.

Damon - (Deymon)
Zeke - (Ziki)

Kung may tanong papo kayo about sa story ay sabihin nyo lang po at sisikapin kong sagutin yun.. Yun lang and enjoy reading! ♡(∩o∩)♡]

Damon's POV;

Dahan dahan kong naidilat ang mga mata ko at agad na gumuhit sa labi ko ang ngiti nang makitang ang himbing ng tulog nya.. Hinawi ko pa ang ilang hibla ng buhok nyang humaharang sa napaka gandang muka nya. Nakayakap pa rin sya sa'kin at ramdam ko ang dibdib nya kaya iniwas ko ang paningin ko dun at dahan dahan syang inilayo sa pag kakayakap sa'kin at sinisikap na hindi sya magising. Nang makatayo ako ay kinumutan ko ang katawan nya na wala pa ring saplot na kahit ano at mas lalong lumawak ang ngiti ko nang maalala ko ang nangyari kagabi

"Hayyss.. Vegeta.." napapailing na usal ko bago pumasok sa loob ng cr para gawin ang routine ko

Sinoot ko na ang pang trabahong damit ko at wala na akong balak sumunod kila mommy sa US dahil wala na akong rason para pumunta pa don.. Hindi ko muna sinoot ang necktie at ang coat ko dahil kailangan ko pang mag luto ng breakfast namin at kailangan ko pa syang iuwi sakanila.. Sa kalagitnaan nang pag luluto ko ay narinig ko ang pag ring ng phone ko kaya napatingin pa ako dun

*Daddy's Calling...*

Agad kong sinagot yun at sinoot pa muna ang earphone para makausap ko sya habang nag luluto ako..

"Hello dad.. " usal ko

"On the way kana ba anak?" tanong ni daddy

"Hindi napo ako makakasunod jan" nakangiting sambit ko

"Tumawag ako para hindi kana talaga pasunudin.. Pauwi na kami jan dahil may kailangan pa akong puntahan na meeting.. Pero bakit biglang nag bago ang isip mo?" pag tataka nya kaya napangisi ako

"She's back dad.. Pinuntahan nya ako dito sa bahay kagabi.." usal ko at narinig ko pa ang pag ka gulat nya

"Aba! Magandang balita yan! Jan ba sya natulog?" tanong ni dad at nakagat ko ang pang ibabanh labi ko

"Hmm yup! Wala naman sigurong masama diba?" napapangising tanong ko at narinig ko ang pag tawa nya

"Basta ba bibigyan mo na ako ng apo ay walang masama don!" natatawang sambit nya kaya natawa ako "I'm happy for you anak.." dagdag pa nya

"Thanks dad.. Ilang apo ba ang gusto mo?" tanong ko at natawa ulit sya

"Hanggang sa makakaya nyo ni chloe hahaha! Osya mag kita na lang tayo mamaya.. Ibabalita ko sa mommy mo ang magandang balita na yan.. " sambit nya kaya napangiti ako

'Sumasang ayon na ang panahon sa'min.. '

"Take care.. " usal ko pa at agad na pinatay ang tawag

Inilagay ko na ang mga niluto ko sa plato at pinag timpla ko pa sya ng gatas tyaka agad inilagay sa bed try. Nang makarating ako sa kwarto ay tulog na tulog pa rin sya kaya inilapag ko pa muna ang tray sa side table tyaka ako umupo sa tabi nya at pinag masdan ang napaka amo'ng muka nya.. Napangiti ulit ako dahil sa napaka sayang nararamdaman ko.. Hindi ko na maipaliwanag ang saya at ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganun kasayang pakiramdam.. Hinawakan ko ang pisngi nya at dahan dahan na dumilat ang mata nya na tumama agad sa mata ko

"Goodmorning.. " usal ko at gumuhit sa labi nya ang ngiti kaya medyo sumingkit ang mata nya

"Goodmorning.. Ang aga mo yata nagising?" tanong nya pero pinatakan ko pa muna sya ng halik sa noo

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now