Chapter 29: Face the Reality

3.2K 108 22
                                    

Madison's POV;

Nagising ako sa pesteng mabigat na braso kaya idinilat ko ang mata ko at nakita kong tulog na tulog ang mokong na zeke ko

'Oo zeke ko.. Bakit? May problema?'

Dahan dahan kong inalis ang pag kakayakap nya sa'kin at agad na tumayo. Pangalawang araw na namin dito sa island at masaya ako na mas makakapag enjoy kami dahil bukas ay hindi pa kami uuwi.. Lumabas ako nang kwarto at naabutan ko si damon na nag luluto sa mini kitchen at mabango yun kaya medyo lumapit ako

"Wow.. Pork steak!" manghang usal ko at inamoy yun "Ang bango.. Mukang masarap yan ah! " sabi ko at napangisi sya

"Masarap talaga yan.. Ako nag luto e" pag mamayabang nya kaya pabiro ko syang inirapan

"Suss hangin.. Baka mamaya amoy lang pala masarap pero pag tinikman na mas may lasa pa yung buhangin sa labas.. " pang aasar ko kaya narinig ko ang pag singhal nya

"Kapag natikman mo'to wag mong hihilingin na maulit pa uli ang luto na'to.. Hindi pa naman marunong mag luto ang lokong boyfriend mo" pag bibiro nya kaya umupo lang ako sa sofa

"Nakoo.. Hindi ko hahayaan na maiwan sa kusina yun baka kakapatayo lang namin ng bahay sunog agad ang aabutin namin.." pag bibiro ko at natawa naman sya

"Wala paba kayong balak mag pakasal?" tanong nya pero nag kibit balikat ako

"Mukang wala pa sa isip nya yun.. Kita mong mas lamang ang kalokohan sa utak non kesa sa matinong pag iisip" sarkastikong sambit ko at nag salin ng tubig sa baso

"May utak naman yun kahit papano.." nakangising usal nya

"Gaano kalaki naman yung utak na sinasabi mo?" sarkastikong tanong ko at natawa sya

"Kasing laki ng itlog pugo" sabi nya kaya kahit ako ay natawa

'Bugok talaga kahit kelan tong si damon hayy nakoo!'

"Ikaw?" tanong ko at napatingin sya sa'kin "Wala kang balak mag asawa?" tanong nya at agad naman na umiwas ng tingin

"Busy ako sa trabaho.. Saka na yung kasal. Mahaba pa naman ang panahon.. Ayokong mag madali" sambit nya pero napangisi ako

"Busy sa trabaho o.. " hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil kumukunot na ang noo nya

"Kung mag aasawa man ako.. Pag uusapan pa namin ni veronica yun" sabi nya pero sarkastiko akong napangisi

"Si veronica ba talaga ang gusto mong pakasalan?" nakataas na kilay na tanong ko kahit alam kong hindi sya nakatingin

"Bakit hindi.. Sya naman ang girlfriend ko.. " usal nya at natawa ako ng peke

"Sya nga ang girlfriend mo.. Sya ba ang totoong mahal mo?" tanong ko at natigilan sya sa pag hahalo kaya napangisi ako "Hindi lahat ng nagiging jowa ng tao.. Eh totoong mahal nya talaga.. Minsan ginagamit lang nila yun para panakip butas.. " pag paparinig ko at nakita ko ang pag buga nya ng hangin

"Mahal ko si vero--"

"Hep! Hep!" pag pipigil ko sa sasabihin nya kaya napatingin sya sa'kin "Hindi mo ako maloloko damon.. Kita ko sa mga mata mo'ng ang beshy ko pa rin ang mahal mo" sabi ko at inis nya akong iniwasan ng tingin

"Baka nahihibang kana.. Nahahawa kana yata sa piccolo mong boyfriend" inis na sabi nya kaya kunyari akong nag unat

"Kesa naman sa in denial na goku.. Alam nya sa sarili nyang mahal nya si vegeta.. Pero pinag kakaila nya" sabi ko at umacting na nasasaktan "Ouch! Ang sakit non.. " binato nya ako ng tissue pero nakailag ako kaya dinilaan ko sya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ