Chapter 7: The Invitation

2.8K 98 2
                                    

Chloe's POV;

Dahan dahan kong naidilat ang mata ko pero agad na sumakit ang ulo ko kaya upo muna ako saglit.. Tumingin ako sa paligid ko, natutulog pa ang mga kaibigan ko habang napasulyap naman ako kay eun woo na natutulog sa sofa kaya kumuha ako ng kumot tyaka ko sya kinumutan.. Hawak hawak ko ang sentido ko habang bumababa ako at agad na dumeretsyo sa kusina.. Nandito pa rin kami sa rest house at mamaya lang ay uuwi na din kami, nag timpla ako ng kape at naisip ko ng dalawahin para kau eun woo.. Dadalin ko na sana ang kape nang biglang nakita ko si damon na hawak hawak ang batok nya na papunta sa gawi ko..

'Tsk! Mukang may hang over din tong isang to'

Pero sa puntong yun ay naalala ko ang mga nakita ko kagabi kaya hindi ko maiwasang masaktan ng sobra..

"Ayshh.. " napatingin ulit ako kay damon na nakaupo sa dining area habang hinihilot ang sentido nya kaya naman naisipan kong ibigay sakanya ang isang kape na ginawa ko

"Coffee.. Para mawala kahit papano" sabi ko at nilapag sa harap nya ang tasa kaya dahan dahan syang napatingin sa'kin

"No.. Thanks" sabi nya at iniwas nya agad ang tingin sa'kin pero umupo ako sa harap nya tyaka ko ininom ang kape ko

"Inumin mo na.. Marami ka atang nainom kagabi.. " sabi ko at rinig ko ang pag singhal nya, inilayo nya ang kape

"Ayoko.. Hindi ko kailangan yan" sabi nya pero ngumiti ako sakanya at nilapit ulit ang kape

"Makakatulong yan sa sakit ng ulo mo kahit papano.. " sabi ko pero halos mahulog ako sa upuan ko ng bigla nyang hinampas ang lamesa

"Ayoko nga sabi e! Bakit ba pinag pipilitan mo yang gusto mo?" inis nyang sabi kaya nawala ng unti unti ang ngiti sa labi ko "At tyaka wag kang umasta na akala mo okay tayo.. Aasa ka lang sa wala" sabi nya kaya napahigpit ang hawak ko sa tasa

"Damon stop.. " nanginginig na usal ko pero ngumisi sya

"Bakit masakit? Gusto mo yan diba? Sabagay.. Kulang pa yan sa mga dulot mong sakit" sabi nya habang nakatitig ako sa mga mata nyang puno ng galit

"Please stop.. " pahina ng pahinang usal ko

"Tsk! Kung iniisip mo na babalik tayo sa dati itigil mo na.. Kasi ngayon pa lang tatapusin ko na lahat lahat, nakakapagod masaktan chloe!" sigaw nya kaya napapikit ako ng mariin at agad na tumingin sa mata nya ng deretsyo habang may pekeng ngiti

"Ganun ba kadali sayong tapusin lahat lahat damon?" tanong ko habang pinipigilang mapaluha

"Oo.. Katulad ng pag iwan mo at pag alis mo ng parang may iniwan ka lang na isang bagay" sabi nya kaya natawa ako ng peke at sa puntong yun nangilid na ang luha ko

"Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo ngayon.. Hindi ako makapaniwala na nasasabi mo yan ngayon.. "

"I wish we had never met.. And i wish i had never love you so much" sa mga katagang sinabi nya ay kasunod non ang pag tulo ng luha ko

"Please tama na.. " tanging usal ko kaya napangisi sya at agad na nag seryoso ang tingin

"When you left me alone a few years ago, for the first few weeks i felt so empty.. My heart felt empty.. My life felt empty chloe! But i gave it time and started to rebuild my life, and you know what happened? I woke up one morning and it hurt a little bit less. And the next day, even less. Then one day it stopped hurting altogether.. So stop bothering me chloe.. Pagod na ako" sabi nya kaya ngumiti ako at pinahid ang luha sa mga mata ko tyaka ako tumingin sa mga mata nyang napaka lamig ng tingin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now