Chapter 33: Night Party

3.3K 94 20
                                    

Chloe's POV;

Sinamaan ko nang tingin si clyde nang makalabas ako sa kwarto dahil kakatapos ko lang ayusan..

"Oh! Ba't ang sama sama ng tingin mo? Bagay naman ah" natatawang usal nya

"Ikaw kaya pag sootin ko ng gown na'to? Tsk!" singhal ko at dahan dahan pang bumaba

Pinasoot nila sa'kin ang isang luxury black sequins lace.. Kumikinang pa yun kapag natatamaan ng ilaw kaya nakakairitang sootin. Pag baba ko ay nandoon na sila kuya inigo, marcus at pati na rin si zack

"Siguro naman ay kayang kaya nyo nang protektahan si chloe.. Puro lalaki kayo" natatawa pang sambit ni mommy

"Nako tita! Yan pa po-protektahan namin?" sarkastikong tanong ni marcus kaya sininghalan ko lang sya

"Tsk! Tigilan nyo nga ako" singhal ko at natawa sila

"Sige na lumakad na kayo.. Baka malate pa kayo sa party. Inigo, marcus at kayo ng bahala ah! Hindi na ako sasama kaya nyo na yan" sabi ni daddy at sumang ayon naman ang tatlong pugo

Todo alalayan naman si zack habang palabas kami ng bahay.. Kay kuya inigo na sasakyan ang ginamit namin para isang sakayan na lang at hindi rin naman ako makakapag drive ng maayos sa gown na'to. Habang nasa daan kami ay biglang nag flash back sa'kin ang pag halik ni eun woo kaya wala ako sa sariling napahawak ng mariin sa gown

"Are you okay?" tanong ni zack kaya ngumiti ako

"Yeah.. Medyo kinakabahan lang" pag papalusot ko pero binigyan nya ako ng pag katamis tamis na ngiti at lumabas pa ang napaka lalim na dimple nya

"Don't worry.. Nandito lang ako" sambit nya kaya tumango na lang ako

Hindi mawala sa isip ko si eun woo at hindi ko alam kung bakit.. Gusto kong baliwalain yung pag seselos nya kay zack pero yung halik? Hindi ko kayang kalimutan basta basta dahil sya ang pangalawang lalaki na humalik sa labi ko.. Si damon ang first kiss ko pero hindi ko aakalaing may susunod pa don. Sa hindi malamang rason nag karoon na naman ng lungkot sa sistema ko nang maalala ko si damon.. Nakakalungkot isipin na sa tagal kong lumaban, talo din pala ako pag dating sa hulihan.. May parte sa sistema ko na gusto ko pang lumaban kahit na nasabi kong suko na ako at pagod na ako.. Pero sa tuwing makikita ko silang mag kasama ni veronica? Nawawala lahat sa isipan ko yun..

"Space out.." napatingin ako kay clyde at nakababa na pala sila "Bumaba kana jan.. Nag sisimula na ang party" dagdag pa nya kaya tinulungan na nila akong maka baba at agad na inilagay ni zack ang kamay ko sa braso nya

"Bakit parang ang dami naman yatang tao dito.. " usal ko

"Iba't ibang kompanya ang imbitado dito.. " bulong sa'kin ni kuya inigo kaya tumango tango na lang ako

Ipinakita na namin ang invitation na natanggap namin at agad na pumasok sa loob.. Kakatapos lang mag salita ng emcee at nag sisimula na pala silang kumain at uminom pero sa di kalayuan nakita ko si eun woo na papalapit sa gawi namin pero kumunot ang noo ko nang makitang kasama nya si Dr. Ice na formal na formal din ang soot kaya parang gusto kong matawa sa nangyayari

"Oh! Dr. Ice buti nakarating ka agad" bati ni clyde

"Sinabi kasi ni tito clarck na dumeretsyo na agad ako dito.. " sambit ni Dr. Ice pero naka busangot si eun woo na nakatingin sa soot ko

"Pinag reserve ko kayo ng upuan.. Sumunod kayo sa'kin" usal ni eun woo pero akala ko ay mag lalakad na sya nang tanggalin nya ang kamay ko sa braso ni zack "Hindi naman masama kung ako ang umalalay sakanya.." seryosong sambit pa nito kay zack pero nginisihan lang sya nito

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora