Chapter 17: Cheers

2.6K 90 6
                                    

Andrew's POV;

"Nasaan kana?" mahinang tanong nya sa kabilang linya

"Malapit na ako love.. Kasama ko na din sila mom and dad.." sabi ko at tumingin sa side mirror at nakita kong kasunod ko lang ang sasakyan nila daddy

"Kinakabahan ako love.. Paano kung magalit sila ng sobra?" may pag aalalang tono sa boses nya kaya bumuntong hininga ako

"Kung ano man ang maging resulta nito.. Hinding hindi na kita iiwan" sabi ko at rinig ko ang pag buga nya ng hangin

"I'll wait for you.. Take care" sabi nya at kasunod non ang pag baba nya ng linya

'Kaya ko'to.. Kaya naman to.. '

Wala pang alam sila dad about sa anak namin ni angel at ngayon ang balak namin ipaalam sakanila.. Hindi ko alam kung anong magiging resulta pero kahit anong mangyari ay hindi ko iiwan ang mag ina ko kahit pa tumutol silang lahat.. Ngayon na alam kong magiging tatay na ako mas nakaramdam ako ng lakas loob.. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami agad, pag baba namin ay sinalubong agad kami nila angel

"Hi po tita.. " usal ko at bumeso sakanya tyaka ako nakipag kamay sa daddy ni angel

"Sakto ang dating nyo.. Nakapag luto na ako" nakangiting sabi ni tita habang nakaharap kila mommy

"Pasensya na sa abala.. Ito kasing si andrew biglaan ang pag aya nya sa'min papunta dito.. " sabi pa ni mommy pero umiling si tito

"Ayos lang yun.. Pumasok muna tayo at doon na tayo mag kwentuhan" sabi ni tito kaya nauna na silang apat na pumasok at agad akong lumapit kay angel

"It's okay.. Calm down, hindi makakabuti sa baby ko yan.. " sabi ko at tinaasan naman nya ako ng kilay

"Baby mo lang? Anak ko din to hello.." sarkastikong sabi nya kaya napangisi ako

"Wala naman akong sinabing hindi mo anak.. Hayy nako halika na nga" sabi ko at inalalayan pa sya papasok sa loob

Pag pasok namin ay natigil kami dahil parang close na close ang parents namin at doon ko naramdaman ang kakaibang saya dahil parang sumasang-ayon na sa'kin ang lahat..

"Let's eat!" masayang sabi ni mom at bumaling sa'min "Umupo na kayong dalawa.. " dagdag pa nya kaya ngumiti ako at inalalayan si angel paupo kaya tumabi na rin ako sakanya

"Kelan pa kayo nag kabalikan?" agad na bungad ni tita kaya parang nahirapan pa akong lumunok

"N--nung nakaraang araw lang po" sagot ko at ngumiti sila

"Akala ko ay tatanda ng dalaga ang anak ko simula nung nag break kayo.. " natatawa pang usal ni tito kaya napasulyap ako kay daddy

'Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nila ang totoo.. '

"Hindi naman po ako makakapayag nun.. " natatawang sabi ko

"Bakit hindi pa kayo mag pakasal?" agad na tanong ni mommy at narinig kong nabilaukan si angel kaya agad akong kumuha ng tubig para ipainom sakanya

"Are you okay?" tanong ko at ako na ang nag punas ng tubig sa gilid ng labi nya

"Oo.. Okay lang ako" sagot nya at ngumiti kila mommy

"I guess.. Wala pa sa plano nila yun" sabi ni dad at nag karoon ng napaka awkward na paligid

Natapos ang lunch namin pero hindi pa rin namin nasasabi ni angel dahil parang nag aalin langan pa sya.. Nag desisyon sila mom na pumuntang garden para doon sila makapag kwentuhan nila tita kaya kami ni angel ay naiwan dito sa kusina

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now