Chapter 27: Goodbye

3.1K 94 10
                                    

Damon's POV;

Bumukas ang pinto at may dala dalang tray ng pagkain si mommy kaya ngumiti ako ng bahagya nang makalapit sya

"Kahapon kapa nag kukulong jan sa kwarto mo.. May problema ba?" nag aalalang tanong nya at inilapag ang tray sa side table

"She's back.." usal ko at mukang alam nya ang ibig kong sabihin

"Nag kita naba kayo? Nag kausap ba kayo?" sunod sunod na tanong nya kaya napangisi ako

"Ilang beses na kami'ng nag kikita pero sa ilang beses na yun.. Ni hindi man lang kami nakapag usap ng maayos" sambit ko at naramdaman ko ang pag hawak ni mommy sa kamay ko

"Magiging okay din ang lahat bruce, Matatapos din ang lahat ng yan.. " sabi ni mom pero umiling iling ako

"Sawang sawa na ako sa mga linyang yan mom.. Yan na lang yung palaging sinasabi ko sa sarili ko kapag nagiging komplikado lahat" sambit ko at napabuntong hininga si mommy

"Mahal mo pa ba?" tanong nya kaya hinawi ko ang buhok kong naka harang sa noo ko tyaka ako tumingin sakanya

"Nag kakasakitan na kami mom.. Pag mamahalan paba ang matatawag don?" napapakunot noo'ng tanong ko at napangisi ng sarkastiko "Hindi ko na maintindihan to'ng nararamdaman ko.." dagdag ko pa

"Anak.. Sa pag mamahal hindi mo talaga maiiwasang maka sakit o masaktan. Pero hindi yun rason para sumuko ka na lang agad agad" sambit nya kaya napahilamos ako ng muka "Paano si ven?" agad na tanong nya kaya nakagat ko ang pang ibabang labi

"Sya yung girlfriend ko.. Pero si chloe ang laging tumatakbo sa isip ko" saad ko at niyakap ang sariling mga tuhod "Tama nga siguro sila.. Nilalamon na ako ng galit.. " dagdag ko pa

"Wag mong pahirapan ang sarili mo.. Kung mahal mo talaga sya then go! Wag mong pigilan ang nararamdaman mo at wag kang nag papabulag sa galit.. Pero kung wala na talaga.. Anak mag pahinga kana. Ilang taon na ang nakakalipas.. Kaya sana maging okay kana" may pag aalala sa boses nya habang sinasabi yun kaya ngumiti ako ng pilit

"It's okay mom.. I wanted to be okay.." agad nya akong niyakap kaya naipikit ko saglit ang mga mata ko

"Maybe sometimes, love needs a second chance anak.. Because it wasn't ready the first time around" bulong ni mommy at dahan dahang lumayo sa pag kakayakap "Mas mabuting alamin mo muna ang dahilan nya kung bakit sya umalis.. Malay mo.. Hindi rin pala nya yun ginusto.. " pag papagaan nya ng loob sa'kin kaya pinilit ko na lang na ipakita sakanyang naiintindihan ko ang mga sinabi nya kahit ang gulo gulo na ng isip ko

"I'll try.. " usal ko at tinapik nya ang balikat ko

"Kailangan kong bumalik sa states.. Pero babalik din ako agad dahil kailangan ako ng daddy nyo dito. Pero hanggat wala ako.. Sana mabantayan nyo sya at sana mag kaayos na kayo.. " sabi pa nya kaya napabuga ako ng hangin

"Not now mom.. " usal ko at tumango tango sya

"Sinabi ko ba'ng ngayon?" natatawang tanong nya kaya napangisi ako "Ang bad boy mo talaga kay mommy ah! Parang nung bata ka you always want dede to mommy.. " pagbibiro nya kaya natatawa akong napahawak sa sentido ko

"Mom.. Stop it" pag papatigil ko pero nginusuan nya ako

"Totoo naman e.. Tapos kapag aalis ako halos mag lumpasay ka kakaiyak.." dagdag pa nya

"Dati yon mom.. " nawawalan ng pasensyang usal ko

"Haysss.. Malaki na talaga ang badboy ko.." usal ni mommy at tinap pa ang ulo ko

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now