Chapter 25: Are you Happy?

3K 96 12
                                    

Damon's POV;

Nag day off ako ngayon dahil ngayon ang stag party para kay andrew dahil 4weeks na lang ay ikakasal na sila ni angel.. 1week na ang nakakaraan after ng libing ng lola ni chloe at one week na rin akong walang balita sakanya.. Sa kalagitnaan ng pag luluto ko ay may yumakap sa likod ko at hindi na ako mag tataka kung si veronica yun..

"Hi bruce.." bati nya at hinalikan ako sa pisngi kaya kumunot ang noo ko

"Umupo ka muna jan.. Malapit ng maluto to" sabi ko kahit na hindi sya nililingon at napasinghap pa ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa tyan ko na hinahagod yun "V--ven.." usal ko at narinig ko ang pag ngisi nya

"Naka move on kana ba?" may pang aakit na usal nya kaya napalunok ako dahil patuloy pa rin sya sa ginagawa nya

"O--of course.. U--umupo ka muna don" nauutal na sabi ko dahil naiilang na ako sa bawat haplos nya pero naitingala ko ang ulo ko nang dahan dahan nyang binababa kaya bago pa nya magawa yun ay hinawakan ko na ang kamay nya "Ven.. S--stop" usal ko at natawa sya tyaka nya inalis ang kamay nyang nasa pusod ko na

"Why? Hindi mo na kayang pigilan?" may pang aakit na tanong nya kaya pinatay ko ang kalan at tumingin sakanya

"Kaya kong mag pigil.. Kaya wag mo na ulit gagawin yun" seryosong sambit ko pero tumingkayad sya at naabot ang labi ko kaya dinampian nya ako ng isang halik at naiwas ko ang paningin ko

"Alam kong wala ka pang experience sa ganun.. At alam ko rin na hindi mo kayang gawin sa'kin yun hanggat hindi pa tayo kinakasal.. " natatawang sabi nya kaya tumalikod ako sakanya para kumuha ng lalagyan para sa ulam na niluto ko

'Ano ba yung pinag sasasabi nya..'

"Nakakatuwa naman kayong pag masdan.. " nailingon ko ang paningin ko nang marinig ko ang boses nya

"Tita Jewel.. "usal ni ven at agad na lumapit kay mommy para bumeso

"So totoo nga ang nabalitaan ko.. Kayo na?" nangiting sambit ni mom kaya naibaba ko saglit ang tingin ko at mukang alam nya na ang ibig kong sabihin

"Sumabay na kayo sa'min kumain.." sabi ko at tinapos na ang pag sasalin ng ulam

Napasulyap ako sa sala at nakatingin sa'kin si dad pero inis ko lang na iniwas ang tingin sakanya.. Ang mga katulong na lang ang nag hain dahil wala si manang dito at umuwi ng probisya.. Umupo na kaming apat dahil wala naman si daril dito at ano pa nga bang aasahan ko dun. Sila diane may sarili ng bahay kaya mas lalomg tumahimik ang bahay na'to lalo pa't laging walang tao at minsan lang umuwi sila mommy. Nag start na kaming kumain dahil 7pm ang stag party..

"May lakad ba kayo ngayon?" tanong ni mom at si ven na ang sumagot

"Si bruce po pupunta sa stag party ni andrew at ako naman po pupunta sa bridal shower ng asawa ni andrew.. " sabi ni ven at parang nagulat pa si mom

"Mag aasawa na si andrew?" gulat na tanong nya kaya napangisi ako

"Buntis na yung asawa nya mom.. Mag iisang buwan na" sabi ko at napangiti sya

"Omo! Masayang masaya siguro si Amy nyan dahil mag kakaapo na sya" masayang sambit ni mom

"Of course.. Unang apo nya yun" sabi ko pa habang pinag papatuloy ang pag kain ko

"Ikaw? Wala ka bang balak mag asawa?" natigilan ako nang mag salita si dad kaya napatingin ako sakanya pero medyo naguluhan pa ako dahil malamya na ang tingin nya sa'kin hindi katulad noon na parang hindi nya ako anak kung titigan

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora