Chapter 34: Revive the Enemy

3.7K 93 28
                                    

Chloe's POV;

"Iintayin kita dito.. Lumabas na yung result ng exam mo" sambit nya at walang gana naman akong napatayo sa higaan

"Ano result?" tanong ko pero narinig ko ang pag ngisi nya

"Secret muna yun.. Hindi ko pa din nakikita e" sambit nya kaya napabuntong hininga ako

"Sige.. Papunta na ako" usal ko habang nakadukdok ang muka sa unan

"Tsk! Mukang nakahiga kapa e" sambit nya kaya inis ako umupo

"Ito na! Tsk!" singhal ko at natawa sya

"Ang sungit hahaha.. Sige na" sambit nya at agad na pinatay ang tawag

Ginawa ko na ang routine ko at nag soot lang ng pants at simpleng tshirt.. Pag baba ko ay nandon na si mommy at daddy pero wala na si clyde

"Saan ang punta mo anak?" tanong agad ni mommy nang makababa ako

"Tuwag mo si Dr. Ice kanina.. Lumabas na daw po yung result ng exam.. " sabi ko at nag simulang kumain

"Hindi kaba kinakabahan?" tanong ni dad pero umiling ako

"Nasagutan ko naman po ng maayos yun.. Tyaka kung hindi man ako pumasa marami pang ibang trabaho jan" walang ganang sambit ko at napakunot naman ang noo ni daddy

"Bakit parang wala ka sa mood?" tanong ni daddy kaya bumuntong hininga ako

"Red days.. " usal ko at natawa naman sila

"Bukas na nga pala ang kasal ni angel.. May ipapabigay na lang ako na regalo para sakanila" sambit ni mom at doon ko lang naalala yun

"Ikakasal na rin po sila madison.." usal ko

"Omo! Sunod sunod na ah.. Eh kayo ni keila wala kayong balak?" agad na tanong ni mommy

"Sila keila at lucas hindi malabong sumunod na din.. Pero ako? Malabo pa ata yun" usal ko at tinapos na ang pag kain ko

Nang matapos kami ay nakita ko pang umakyat si daddy pero nabaling ang atensyon ko kay mommy na umupo sa tabi ko at bumuntong hininga pa bago pag salita

"Sabi sa'kin ni clyde nag kita kayo ni damon sa party.. " agad na sambit nya kaya naibaba ko ang paningin ko

"Sumuko na ako mom.. Pero bumabalik sya" usal ko at naramdaman ko ang pag hawak nya sa kamay ko

"Naalala ko yung pinag daanan namin ng daddy mo noon.. Sobrang hirap, ang daming hadlang, ang dami kong binuhos na luha noon.. Pero alam mo kung ano yung narealize ko?" tanong nya at napatingin naman ako sakanya "Narealize ko na.. Kailangan muna pala namin dumaan sa mahabang proseso at pag daanan yung hirap bago namin makamit yung gusto namin pareho.. " dagdag pa nya

"Paano kung patuloy lang pala ako sa pag daan dun sa proseso na yun pero hindi ko rin para makakamit yung gusto ko.. " sambit ko at napabuntong hininga sya

"Anak.. Matagal ko na panahon mo nang sinusunod ang isip mo.. Kaya hayaan mo'ng yung puso mo naman yung masundo sa gusto nya.. " usal nya pero napangiti ako ng mapait

"Kapag hinayaan ko pong mag desisyon mag isa 'to.. Baka po wala yung surgery.. Hindi ko na kayanin" napaiwas si mommy ng tingin nang sabihin ko yun. Nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata nya

"Hindi ko alam bakit kailangan pag daanan mo pa yan.. Healthy naman ako nung pinag bubuntis ko kayo ng kuya clyde mo pero bukod tanging ikaw ang mahina ang katawan.." sambit nya kaya napahawak din ako sa kamay nya at doon pumatak ang luha ni mommy "Nung huling iluwal kita.. Ilang segundo kang hindi umiyak kaya natakot ako, pero hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung marinig ko ang unti unting pag iyak mo.." dagdag pa nya kaya napabuga ako ng hangin at diniin ang pag kakahawak kay mommy

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon