Chapter 47: THE ENDING PART 2

4.2K 117 18
                                    

[A/N: WARNING!!! MATURED SCENE!]

Damon's POV;

Napatingala ako sa kalangitan at palubog na ang araw.. Kanina pa kami dito sa reception at sa sobrang saya ay parang ayoko ng matapos ang araw na'to. Hinanap ng paningin ko si chloe at nang makita ko sya ay biglang napangiti dahil panay ang nguya nya kahit na nag ku-kwentuhan sila nila madison.. Minsan iniisip ko kung buntis ba sya o ano, dahil napaparami naman yata ang kain nya. Wala pa naman nangyayari sa'min kaya sumasagi na lang sa isip ko na ang pagod nya ay dinadaan na lang sa pagkain.

"Huy.. Matunay si chloe" natigilan lang ako sa kakaisip nang sumulpot ang tatlong bugok kong kaibigan "Anong balak nyo pag tapos nito?" tanong pa ni andrew at nag salin ng wine

"Uuwi sa bahay.. Ano paba?" sarkastikong sambit ko at napangisi "Sakto yung pag papagawa ko ng bahay last year.. Magagamit ko pala talaga" dagdag ko pa

"Nakoo dre! Ang sabihin mo pinatayo mo talaga yun dahil inaantay mo si chloe na bumalik" kumpronta ni zeke sabay dukot ng pagkain sa tabing lamesa namin

"Tsk! Sadyang pinatayo ko talaga yun para sa'kin.." pag papalusot ko at tumingin ulit kay chloe na hindi kumukupas ang ganda at isama mo pa ang soot soot nyang wedding gown

"Anong balak mo sa honeymoon mamaya?" tanong ni lucas kaya natigilan ako sa pag inom ng wine

'Oo nga no.. Mamaya na pala ang honeymoon'

"Kailangan bang pinag pa-planuhan yun?" tanong ko at agad na napangisi si lucas

"Ungas! Sabi ko na nga ba e.. "napapailing na sambit nya at nginisihan ako "Akala ko ba expert ka sa babae?" taas babang ang kilay nya habang tinatanong yun kaya mahina ko syang sinuntok sa tiyan nya at natawa sya

"Wag ka ngang maingay.. Wag mo ng inuungat ang tapos na" sambit ko at tatawa tawa naman silang tatlo

"Nung 4th year high school tayo ang dami mong babae ah.. Bakit ngayon parang ikaw pa ang under?" pang aasar ni andrew kaya napangisi ako

"Ako under? Asa! Sya kaya yung patay na patay sa'kin.. " sambit ko pero halos humiwalay ang kaluluwa ko nang sumulpot si chloe

"Anong pinag sasasabi mo? Patay na patay ka jan.. Sapakin kita gusto mo?" pag bibiro nya at lumapit sa lamesa para kumuha ng mga sweets

"Wala naman akong sinabi ah.." patay malisyang sambit ko pero tumingin sya sa'kin at sinubo muna ang pagkain nya bago ako mahinang sinuntok sa tiyan tyaka sya nag lakad pabalik kila mads

'No way!'

Doon ko lang naalala na nung mga nakaraan ay sinabi nyang red days nya kaya wala ako sa sarili napasapul sa noo

'Paano na yung honeymoon? Badtrip amp!'

"Oh? Mr. Under bakit parang naluge ka?" tatawa tawang tanong ni zeke

"Hayst! Bakit hindi ko agad naisip yun.." inis na sambit ko at lumagok ng wine

"Anong sinasabi mo? Bakit buntis ba si chloe?" tanong andrew kaya binato ko sya ng panyo

"Engot! Di ako katulad mo.." singhal ko at natawa pa sya "May dalaw si chloe.."dagdag ko pa at natigilan sila

"Sino?" agad akong napapikit nang mag tanong si zeke

'Tsk! Kahit kelan ungas talaga'

"Ayy tanga.." napapailing na usal ni andrew

"You mean menstruation?" natatawang tanong ni lucas at tumango naman ako "Malas mo" dagdag pa nya kaya inubos ko ang wine sa baso ko

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now