Chapter 31: Office Girl

3.7K 107 21
                                    

Chloe's POV;

Tinupi ko pa muna ang white long sleeve ko bago ako tuluyang bumaba. Pag kababa ko ay naabutan ko si clyde na umiinom pa ng kape

"Seryoso ka bang mag ta-trabaho ka dun?" tanong ni clyde at umupo ako sa harap nya

"Bakit ayaw mo ba?" sarkastikong tanong ko kaya napailing sya

"Natural na empleyado ka lang don" sabi pa nya at inubos muna ang kape

"Hindi ko naman gusto'ng maging CEO katulad mo.. Hanggat wala pa akong nahahanap na trabaho dun muna ako sa kompanya natin.. Mabuburyong lang ako dito sa bahay" walang ganang sambit ko

"Nag resign kapa kasi sa military.. Kung tutuusin nga mas maraming pera ka pa sa'kin e.. " natatawang sambit nya kaya tinaasan ko sya ng kilay

"Baliktad din pala yang utak mo e.. Ayaw mo ako mapagod dito pero sa pagiging csm ko go na go ka.. " napapailing na sambit ko at kasunod non ang pag baba ni mommy

"Oh.. Ang aga nyo naman atang gumayak?" tanong ni mom na halatang bagong gising lang

"Pag lilinisin ko sya ng office mom" pag bibiro ni clyde at natawa naman si mommy

"Hayy ang mga anak ko.. Parang kelan lang mga gumagapang lang kayo" sabi ni mommy habang nag titimpla ng kape

Hindi na sila nag abala pang kumuha ng katulong dahil kaya naman namin at halos wala namang dapat gawin dito sa bahay pero kung may mag tatrabaho dito sa bahay ay yun ay ang mga RD dahil tauhan naman namin sila at mapag kakatiwalaan.. Nag iimbistiga na ang red dragon sa horizon pero nahihirapan sila dahil wala ng kumakalat na BH dito at nakapag tatakang hindi na sila kumikilos..

"Iyakin pa si chloe nun.. " pang aasar ng kakambal ko

"Ang aga aga clyde.. Umayos ka"

"Ang sungit mo naman.. Bumabalik na naman yang ugali mo ah! " natatawang sambit nya pero hindi na ako sumagot

Kumain muna kami ng breakfast kasabay sila mom and dad.. Ilang araw na rin ang nakakalipas nung huling pag kikita namin ni damon. Nakakalungkot isipin na sa ganun kami mag tatapos.. Wala na rin akong balita sakanya after non, ang mga kaibigan ko ay nagiging busy na rin sa trabaho lalo na sila angel at andrew na papalapit na ang kasal. Hindi nagiging madali sa'kin ang pag kalimot kay damon pero hinahayaan ko lang na lumipas ang panahon.. Iniiwasan ko na rin na maisip sya at nililibang ang sarili ko sa ibang bagay. Malaking tulong rin si eun woo dahil ginagawa nya ang lahat para lang mapasaya ako. Oo hindi madali ang ginawa ko pero kahit papaano ay gumagaan na ang pakiramdam ko pero paminsan minsan ay hindi ko maiwasang mapaisip na..

'Tama ba yung ginawa ko? Tama bang sinuko ko na lang yung matagal kong pinang hawakan..'

"Oo nga pala chloe anak.. May check up ka mamaya kay Dr. Ice" usal ni mom kaya napakunot ang noo ko

"Dr. Ice?"

"Sya ang magiging doctor mo.. Sya ang laging mag che-check up sayo hanggat hindi kapa sumasalang sa Heart Bypass Surgery.." sambit nya kaya napa buga ako ng hangin "Kailangan mong mag palakas anak.. That's a dangerous surgery" dagdag pa nya at napatingin naman ako kila daddy at clyde

"Can i die during open heart surgery?" tanong ko sakanila pero hindi sila sumagot kaya napaiwas na ako ng tingin

'Wala pala akong kahit isang choice para mabuhay ng normal.. Bakit parang gusto na yata akong kunin?'

"Oh!" medyo nabigla pa ako nang hagisan ako ng susi ni clyde at nang makita ko ang susi na yon ay agad akong napatingin sakanya

"No way.. " namamanghang usal ko kaya napangiti silang tatlo

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now