Chapter 49: THE ENDING PART 4

3.6K 107 4
                                    

Eun Woo's POV;

Walong buwan na.. Walong buwan na ang nakalipas simula nang maibalitang buntis na si chloe at masaya ako para sakanila. Napaka gaan sa loob na makitang napaka totoo at perpekto ng bawat ngiti at tawa nya.. Kabuwanan na nya ngayon at medyo tumaba na rin sya. Babae ang anak nila kaya napaka swerte ni damon. Saksi ako sa hirap, pagod, sakit at pag sasakripisyo ni chloe noon. Noon ay halos gusto ko nang patayin ang sarili ko dahil hindi ko kayang makitang nasasaktan si chloe. Napamahal na ako sakanya ng sobra at hindi ko maipag kakaila na nasaktan ako sa katotohanang hindi talaga kami ang nakatadhana sa mundong 'to.. Pero masaya ako.. Masayang masaya ako para sakanilang dalawa na ngayon ay magiging isang pamilya na sila..

"Naimpake mo naba lahat ng gamit na kailangan mo anak?" tanong ni mama at tumango ako

"Kagabi ko pa naayos yun.. Yung passport mo ma! Baka malimutan mo" sambit ko at tinaas nya ang passport nito

"Nakapag paalam kana ba kila chloe? Matatagalan tayo sa korea" tanong ni mama pero umiling ako

"Pero pupunta ako ngayon dun.. Hahanap pa ako ng tyempo para mag paalam na aalis ako.. Alam mo naman yun si chloe ma.. Napaka sensitive mag buntis, mas naging iyakin pa" natatawang sambit ko at napapailing pa

"Eh.. Paano ka mag papaalam nyan?" tanong ni mama pero nakibit balikat lang ako

"Bahala na ma.. Baka mamaya manganak pa 'di oras yun e" sambit ko at kinuha ang susi "Aalis na po muna ako.. Bago mag 6pm uuwi na ako 7 pa naman alis natin" dagdag ko pa at tumango si mama habang nag aayos ng gamit nya

Ang mangyayari kasi ay mag babakasyon kami sa korea dahil mag sisi-uwian ang mga kamaganak namin at syempre babalik din kami dito dahil may trabaho pa rin akong dapat ayusin. Papunta ako ngayon kila chloe dahil 8months old ang baby nila angel at sa bahay nila chloe mag hahanda.. Si madison ay nanganak na rin ng lalaki habang ang bagong panganak na si keila ay babae naman at syempre pasunod na rin ang unica hija ni damon at chloe.. Napapaisip ako na baka sa korea talaga ako makakahanap ng babaeng para sa'kin

*(✖﹏✖)*

"Oyy! Nandito na si eunwoo!" sigaw ni zeke nang makababa ako sa sasakyan ko

"Hindi pa kami tapos mag luto.. Nag iiyakan kasi yung mga baby" napapakamot pang sambit ni andrew kaya napangisi ako

"Hindi naman ako pumunta dito para kumain lang.. Ano paba yung mga lulutuin? Tutulong na ako" sambit ko at nakita kong nag iihaw si lucas at sumunod si zeke

"Nandun si damon sa loob.. Tulungan mo na lang, si clyde at daril kasi napaka tagal mas nauna pa namin silang tinawagan" sambit pa ni andrew at tumango ako

"Sige papasok muna ako.." paalam ko at sa pag pasok ko ay narinig ko na ang ngawaan ng mga bata

"Oh! Si eun woo" usal ni angel habang hinehele ang baby nya at nagawi ang atensyon ko kay chloe na may nginunguya na naman

'Tsk! Kahit buntis sya napaka ganda pa rin nya.. '

"Hi.." usal ko kay chloe nang makalapit ako tyaka ko sya hinalikan sa noo

"Woii.." napasulyap ako sa likod ko at nakita ko ang nakakunot na noo na si damon "Hilig mong halikan sa noo ang asawa ko.. " sambit pa nya kaya napangisi ako

"So? Dati ko naman nang hinahalikan sa noo si jane" sarkastikong sambit ko at sinamaan nya ako ng tingin pero humarap ako kila madison na pinapatulog na ang mga anak nila

"Hayy.. Sa wakas natulog na sya" usal ni madison "Nakakaloka wala pa akong tulog" dagdag pa nya

"Eun woo kukunin ka rin naming ninong ng anak namin ah.. " usal ni keila kaya natatawa ako

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now