Chapter 48: THE ENDING PART 3

3.7K 101 11
                                    

1 month later

Chloe's POV;

Marahan kong naidilat ang mga mata ko nang masilaw ako sa sikat ng araw at agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko habang pinag mamasdan syang payapang natutulog

'Bakit ba masyado syang pinag pala sa muka?'

Tatanggalin ko na sana ang kamay nyang nakayakap sa'kin nang mapansin kong wala pa pala akong soot na kahit na ano.. Simula nung honeymoon ay naging madalas ang pag sasalo namin tuwing gabi. Bumalik na rin kami parehas sa trabaho dahil hindi naman na kami pwedeng mag tagal na hindi pumapasok sa trabaho lalo pa't madami na naman ang pasyente ko

"Masyado naba akong gwapo?" medyo nagulat pa ako nang bigla syang mag salita kahit na nakapikit

"Sino naman nag sabi sayo?" pagbibiro ko kaya doon na sya dahan dahang dumilat at gumuhit agad ang ngiti sa labi nya

"Nagugutom ako babe.. " usal nya kaya ngumiti ako

"Mag luluto ako" sambit ko at parang nagulat pa sya

"Marunong ka?" tanong nya at napaisip ako

"Hmm.. Kaya kong mag luto ng bacon and eggs, okay naba sayo yun?" tanong ko pero umiling sya

"Ayoko non.. " sambit nya kaya napanguso ako

"Ayaw mo ng breakfast in bed?" tanong ko at marahan syang umiling tyaka ngumisi

"Gusto ko fresh chloe in bed.. Para may energy ako sa trabaho mamaya" sambit nya kaya pinalo ko sya sa balikan nya

"Nakakailan kana ah.. " natatawang sambit ko at natawa naman sya

"Eh ano naman? Hindi na dapat binibilang ang ganun" sabi nya at pinasok nya sa loob ng kumot ang kamay nya tyaka ako niyakap kaya napasinghap pa ako at napangisi sya "Ganito ba naman bubungad sa'kin araw araw sinong hindi mag hahangad diba?" sarkastikong sambit pa nya pero pinalo ko sya at agad na umupo tyaka hinatak ang kumot sakanya

"Tumigil tigil ka Mr. Cortton dahil male-late ka na naman sa trabaho mo.." sambit ko at nag ipit ng buhok tyaka tumingin sakanya "Akala ko ba may meeting ka?" tanong ko at unti unting nanlaki ang mata nya

"Oo nga no!" gulat na sambit nya at tumingin pa sa orasan at 6am na ng umaga

7am ang pasok ko sa trabaho at ganun din si damon pero mas kailangan nyang pumasok ng maaga ngayon dahil mag dadatingan ang mga business partners ni daddy dave at kailangan din sya don lalo pa't alam naman na ng lahat kung sino ang mag mamana ng kompanya dahil si daril ay may sariling bar at sa pag kakaalam ko ay kakabukas lang nun pero dinudumog na ng mga tao. Si diane naman ay doctor sya at katrabaho ko pa kaya hindi nya mama-manage ang kompanya kung ganun. Kaya walang magagawa si damon kundi sya talaga ang sumalo sa mga pinag hirapan ng magulang nila

Mabilis kaming gumayak at hindi na ako pinag luto ni damon dahil baka daw mag sunog pa ako ng bahay kapag nag kataon kaya sya na ang nag luto ng breakfast namin.. Simula nung tumira kami dito ay puro sya na ang gumagawa ultimo pag luluto at pag lilinis ng bahay ay ginagawa nya kaya minsan nahihiya na ako dahil ang nagagawa ko lang sa buong mag hapon ay ayusin ang kama namin at ilang dumi sa loob ng kwarto. Sa isang buwan na pag sasama namin sa iisang bubong ay masasabi kong mas tumitindi pa ang pag sasamahan namin at mas napapamahal ako sakanya ng sobra..

"Hey vegeta!" sigaw nya galing sa kusina

"Anong problema mo?!" sigaw ko pabalik sakanya dahil nandito ako sa sala at inaayos ang gamit ko

"Nag message si daddy!" nag mamaktol na sambit nito habang papalapit sa'kin pero hindi ko maiwasang mapangisi

'Medyo cute sya sa ganyan..(⊙.⊙ )'

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now