Chapter 16: Wild Flowers

2.7K 106 13
                                    

Chloe's POV;

Dahan dahan kong naimulat ang mata ko.. Nag muni muni pa ako saglit tyaka ako tumayo pero naagaw ng pansin ko ang isang rose na nasa side table ko at may kasama yon na maliit na card kaya agad kong tinignan

"Roses are red, Violets are blue.. I've never met anyone as beautiful as you"
-Eun Woo

Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ko at iiling iling na inilagay sa table ulit ang rose na yun.. Pag baba ko ay nag taka ako dahil tahimik kaya dumeretsyo ako sa kusina at naabutan ko si mommy don

"Goodmorning mom.. " bati ko at napatingin sya agad sa'kin

"Goodmorning baby.. Kamusta ang date kahapon?" tanong ni mommy kaya napangisi ako

"Masaya naman po.. Nalasing lang ako" iiling iling na sabi ko at umupo sa dining area habang pinapanood si mommy na nag luluto

"Hayy anak.. Hinay hinay lang sa pag inom ha.. Alam mo naman na masama sayo yun" sabi nya kaya tumango ako at ngumiti

"Don't worry mom.. I'm strong!" sabi ko at kunyari pang itinaas ang braso ko kaya natawa sya "Nasaan nga po pala ang mga tao dito?" tanong ko pa

"Si clyde maagang umalis may meeting daw.. Ang daddy mo naman pinacheck up si mommy" sabi ni mom kaya tumango na lang ako

Tumayo ako para mag timpla ng gatas pero sa kalagitnaan ng pag titimpla ko ay nag salita si mom

"Kamusta kayo ni damon?" tanong ni mommy kaya natigilan ako

"Okay naman po.. " sagot ko at pinag patuloy ang ginagawa ko

"Kayo naba?" tanong nya kaya pasimple pa akong huminga ng malalim at bumalik sa kinauupuan ko

"Hindi naman po kami nag break e" sabi ko pero pag sulyap ko sakanya kay seryoso ang tingin nya sa'kin kaya may namuong kaba sa dibdib ko

"Are you okay?" tanong ni mommy habang nakatingin ng deretsyo sa mata ko

"Of course I am.." sabi ko pero bumuntong hininga sya at umupo sa harap ko

"Are you sure?" tanong pa ulit nya kaya napaiwas ako ng tingin

"Yes--"

"I saw him.. " usal ni mom kaya napatingin ako agad sakanya "I saw him last day.. With another woman" pag papatuloy nya kaya doon na ako kinabahan ng sobra

"Mom.. " tanging usal ko

"Bakit nag sinungaling ka about kay damon?" seryosong tanong ni mommy kaya napaiwas ako ng tingin "I'm your mom.. So please tell me" dagdag pa nya kaya napabuga ako ng hangin

"Because I love him.. At ayokong masira ang pangalan nya sainyo" usal ko at naramdaman ko ang pag hawak ni mommy sa kamay ko "Ayokong sumuko mom.. Alam kong kaya ko.. Alam kong may chance pa" dagdag ko pa

"Anak hindi mo kailangan gawin yun.. At ayokong makikita kang nahihirapan.." malungkot na sabi nya kaya ngumiti ako at umiling

"Hindi naman po ako nahihirapan.. Kaya ko'to mom.. Don't worry okay?" sabi ko kaya napa buga na lang sya ng hangin

"Basta ayokong makikitang paiiyakin ka nya.. Dahil hindi lang mga daddy mo ang makakalaban nya, baka nakakalimutan mong may pag ka amazona ang mommy mo" sabi nya kaya sabay kaming napangiti

"Noted mom.. Pero pwede po bang sa'ting dalawa muna to? Ayoko kasing malaman nila dad at clyde" sabi ko kaya napabuntong hininga sya

"Ano pa nga bang magagawa ko?" sabi nya kaya napangiti ako at agad na niyakap sya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now