Chapter 11: Complicated

2.6K 97 4
                                    

Someone's POV;

"Buhay papo ang babaeng dragon master.. " nakayukong sabi nya kaya agad na gumalaw ang pangako at kinuha ang baso sa lamesa nya ko hinagis yun at nabasag

"Napaka tatanga nyo! Nalusutan na naman tayo ng babaeng yun! Mga inutil!" gigil na sabi ko at mga nakayuko lang sila

Lumapit ako sa bintana at huminga ng malalim tyaka ako nag salin ng alak at agad na ininom

"Mag hintay lang sya.. Dahil uunahin ko ang mga pinaka mamahal nya sa buhay.. " sabi ko sabay ngisi at ininom ang alak

'Mag hintay ka lang.. Mag hintay lang kayo'

Chloe's POV;

Unti unti kong naidilat ang mata ko sa ingay na naririnig ko.. Alam kong nasa ospital ako dahil ramdam ko ang nakatusok sa katawan ko at ang sugat na kumikirot.. Luminga ako sa gilid ko at nakita ko sa sofa sila madison, angel at keila kasama ang mga pinsan ko at si eunwoo

"Chloe.." usal ni clyde kaya napunta sa'kin ang atensyon nila

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni kuya inigo nang makalapit sila

"Medyo masakit pa yung sugat ko.." sabi ko at akmang uupo kaya tinulungan nila ako

"Nakakaloka ka naman kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko kahapon nabaril kana.. " sabi ni angel kaya nginitian ko na lang sya ng peke

"We need to go.. Babalik na lang kami mamaya, may kailangan pa kaming asikasuhin" sabi ni ate snow kaya napa tango na lang ako

"Babalitaan ka na lang namin mamaya.. Ipahinga mo yang katawan mo" sabi naman ni marcus at pinindot ang bandang labi ko kaya napangiwi ako "Pumapayag ka ng may bumangas sa muka mo tsk!" sabi nya kaya sinamaan ko na lang sya ng tingin

"Hindi naman ganun kalalim ang tama ng bala sayo pero mas mabuting mag pahinga ka buong araw.. Sasalinan ka pa daw ng dugo mamaya" usal ni irene kaya napa buntong hininga na lang ako

"Mag iingat kayo.. " tanging usal ko at tuluyan na silang lumabas

Natira lang ay si eun woo at ang tatlo kong kaibigan.. Umupo sa tabi ko si madison habang nag babalat ng orange.. Napatingin ako kay eun woo na may mangilan ngilan na band aid sa muka at katawan pero nang maalala ko si baby liza ay napaupo ako ng maayos

"Eun woo.. " tawag ko at tumingin sya sa'kin "Kamusta si baby liza?"

"Nasa pangatlong kwarto sya.. Ginagamot pa ng nurse ang sugat nya" sabi nya kaya nakaramdam ako ng pag aalala

"Kawawa naman si baby.. Siguro iyak ng iyak yun nung nasa daan kayo" sabi ni keila kaya nag taka ako

"Alam nyo yung nangyari?" tanong ko at sabay sabay silang tatlong napatingin kay eun woo pero nag peace sign na lang sya

"Napaka daldal mo talaga kahit kelan no?" sarkastikong sabi ko pero nginitian nya ako

"Maiwan ko muna kayo.. Bibili pa ako ng kailangan ni baby liza, bibili na rin ako ng kakainin natin" sabi ni eun woo kaya tumango tango na lang ako tyaka sya lumabas ng tuluyan

"Oh.. " abot ni mads kaya kinuha ko ang orange at agad na kinain..

"Wala ba kayong trabaho ngayon?" tanong ko

"Umabsent kami sa trabaho nung nalaman namin na naospital ka" sabi ni mads at tumingin ng deretsyo sa mata ko "Napaka delikado ng buhay mo.. Pero bakit parang easy lang sayo?"pag aalalang tanong nya kaya napaiwas ako ng tingin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now