Chapter 3: "I'll do everything"

2.8K 94 1
                                    

Damon's POV;

"Kailangan ko ng umalis.. " sabi ko habang inaayos ang necktie ko

"I miss you.. Take care" sabi nya kaya tumingin ako sa screen at ngumiti

"Take care.. I'll call you later" sabi ko at in-off ko na ang laptop tyaka ko kinuha ang coat ko sa sofa tyaka lumabas

Pag baba ko ay naabutan ko si manang sa kusina kaya lumapit ako para kumuha ng isang tinapay at inubos ang kape na pinatimpla ko kanina

"Hindi ka muna ba kakain hijo?" tanong ni manang

"I need to go na manang.. Male-late na ako" sabi ko at bago pa ako makaalis ay nag salita ulit si manang

"Pinapasabi nga pala ng mommy mo na hindi muna sila makakauwi" sabi ni manang tyaka ako nag tuloy lumabas

'Tsk! Kelan ba sila nag tagal dito?'

Habang nasa daan ako ay biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko yun ng mabilisan tyaka sinagot

"Hello.." sagot ko

"Hello dre.. Papunta kami ngayon sa office mo" sabi ni andrew kaya nag taka ako

"Bakit? Anong meron?" tanong ko

"Nag day off kami.. Eh alam naman namin na hindi ka nag de-day off masyado kang workaholic" sabi ni andrew kaya napa iling na lang ako

"Nag day off kayo tapos guguluhin nyo ako sa trabaho ko.." sabi ko at narinig ko pang may umagaw

"Ang arte mo dre! Kami na nga pupunta sayo" sigaw ni zeke kaya nailayo ko ang phone

"Tsk! Sinabi ko bang pumunta kayo?" inis na sabi ko pero narinig ko ulit na may umagaw

"We're here.. I want to tell something" sabi ni lucas kaya kumunot ang noo ko.. Binaba na nya ang tawag kaya agad ko ng binilisan

Ilang minuto lang ay nakarating na agad ako sa office.. Pag bukas ko ng pinto ay bumungad silang tatlo sa'kin

"Finally.." rinig kong sabi ni andrew habang nakaupo sa sofa. Sinabit ko muna ang coat ko tyaka ako umupo sa tabi nila

"Madami akong gagawin bakit ba nandito kayo?" tanong ko at nakita kong nilabas ni zeke ang wine galing sa paper bag

"Wala ka bang natatanggap na message?" tanong ni andrew sa'kin kaya umiling ako

"Anong message?" tanong ko

"Mag kakaroon daw tayo ng reunion.. Pupunta ka?" tanong ni zeke at kinuha ang apat na wine glass tyaka sya nag salin

"Kelan? Wala akong natatanggap" sabi ko sabay kuha ng wine at uminom

"Next week daw.. Over night nga e" sabi pa ni zeke

"Pupunta ba kayo?" tanong ko at natigilan sila kaya napa singhal ako "Tsk! Wala kayong mukang maiharap.. " sabi ko at inubos ang wine

"I saw keila last day.. " sabi ni lucas habang nag sasalin ako ng wine at uminom "And she's with chloe.. " pag papatuloy nya kaya halos maibuga ko ang wine kay andrew kaya napalayo sya

"F*ck dre! Kadiri ka" singhal ni andrew pero hindi ko sya pinansin at tumingin kay lucas

"Anong sabi mo?" gulat kong tanong

"Nakita ko sila na kasama si chloe.. Nung una hindi ko nakilala kasi malaki ang pinag bago nya.. " sabi ni lucas kaya unti unting kumunot ang noo ko

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now