Chapter 38: FFMW Part 3

3.1K 95 14
                                    

Eun Woo's POV;

Wala ako sa sariling napa buntong hininga habang nakasandal sa upuan at lutang na lutang ang isip. Hindi mawala sa isip ko si jane lalo pa't hinang hina na sya sa mga nangyayari.. Ang mga bagay na hindi inaasahan ay nangyayari na sa buhay nya.. Masyadong mapaglaro ang tadhana at hindi ko inaasahan na may koneksyon pala ang pamilya ni damon at chloe. Walang saysay ang pag alis ni chloe para protektahan si damon at alam kong isa sa mga nag papabigat ng loob nya yun ngayon.. Pero wala akong magawa, dahil ang bigat sa loob nya ay hindi basta basta maalis..

*TOKKKKK!!! *TOKKKKKK!*

Bumukas ang pinto at pumasok ang secretarya ko kaya napaupo ako ng maayos

"Sir.. May nag hahanap po sainyo" sabi nya kaya nag taka ako

"Sige papasukin mo.. " sabi ko at binuksan nya ang pinto at tinawag yun pero halos mag salubong ang kilay ko nang pumasok sya at ang sekretarya ko naman ay lumabas na

"Eun woo right?" nakangising tanong nya at umupo sa harap ko

"Anong kailangan mo?" kunot noo'ng tanong ko at parang nag iisip pa sya

"Gusto mo si chloe diba?" sarkastikong tanong ni veronica

"Ano ba'ng gusto mong iparating?" seryosong tanong ko at natawa pa sya

"Diba kapag gusto mo ang isang tao gagawin mo ang lahat.." usal nya at tumingin ng deretsyo sa mata ko "Gusto kong ilayo mo sya kay damon.." sambit nya kaya napangisi ako ng sarkastiko

"Tsk! Ganyan kaba ka desperada kay damon?" sarkastikong tanong ko pero mas lumawak ang ngisi nya

"Oo.. At baka kapag nakita ko pa ulit silang mag kasama ay hindi ko mapigilan ang sarili ko at makanti ko si chloe" sambit nya kaya dun ako natawa ng sarkastiko

"Halatang hindi pa sinasabi sayo ni damon ang mga nalaman nya tungkol kay chloe.. " nakangising sambit ko at doon na sya natigilan "Wag mong mamaliitin si chloe.. Dahil bukod sa hambog at mayabang yun.. Baka hindi lang kanti ang gawin sayo non kapag napuno ng sobra sayo.. " dagdag ko pa

"Bakit sino ba sya? At tyaka hindi ako masisindak sa mga pinag sasasabi mo" mataray na sabi nya kaya tumayo ako at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa

"Sino sya? Bakit hindi mo itanong kay damon?" ngising tanong ko at mas tumaray ang muka nya

"Hindi ako kinakausap ni damon.. At malamang sa malamang ay si chloe ang dahilan nun" diing sambit nya

"Marami nang problema sa pagitan ni chloe at damon.. Kaya wag ka ng dumagdag" sambit ko pero tumayo sya at tinaasan ako ng kilay

"At ano naman ang problema nya?" mataray na tanong nya

"Bakit sa'kin mo tinatanong.. Tanong mo kay damon" sabi ko at inis syang umirap

"Damn it! Hindi nga ako kinakausao diba? Makulit ka?" inis na sigaw nya

"Problema mo na yun.." usal ko at tumingin ng deretsyo sa mata nya "Gusto ko si chloe.. Pero hindi ako kagaya mo na masyadong desperada para lang makuha ang kaligayahan ng iba.. Kung talagang mahal mo ang isang tao.. Gagawin mo lahat ng mag papasaya sakanya. Pero satingin ko hindi ka totoong nag mamahal.. Dahil sakim ka" pag ka sabi ko nun ay agad nya ang sinampal kaya naigalaw ko ang panga ko at pinigilang mainis ng sobra

"How dare you.. Wala kang alam sa nararamdaman ko" nanginginig ang boses nya habang sinasabi yun

"Yang nararamdaman mo ay wala pa sa kalagitnaan ng nararamdaman ni chloe ngayon.." sambit ko at kinuha ang coat at agad na lumabas pero narinig ko ang pag sigaw nya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now