Chapter 18: WAR

2.6K 90 6
                                    

Sunshine's POV;

Inabot sa'kin ni ivy ang kape kaya walang gana ko yun na kinuha at ininom

"Ano na sis? Parang ikaw ang naaresto ah!" matawa tawang sabi nya kaya tinignan ko sya ng seryoso

"Hindi ba parang sobra na kayo?" tanong ko at natawa silang tatlo

'Hindi na sila ang mga kaibigan ko noon.. Napaka laki na ng pinag bago nila'

"Ano bumabalik ka na naman sa dati mong ugali? Alam mo sis pag masyado kang mabait talo ka" sabi pa ni ivy

"Teka.. Akala ko ba gusto mo si damon? Bakit pinaubaya mo dun sa veronica na yun?" tanong naman ni athena

"Matagal na yun.. " walang ganang sagot ko

"Bakit hindi mo makalimutan yung lalaki nakabuntis sayo?" sarkastikong tanong ni ivy kaya tinignan ko sya ng masama

"What? Nabuntis ka?" gulat na tanong ni akira kaya inis akong napaiwas ng tingin

"May anak na si sunshine.. Pero wala sakanya ang anak nya.. " rinig kong sabi ni ivy

"Pwede ba wag na natin pag usapan yun.. " sabi ko sabay inom ng kape

Nandito ngayon sa mall dahil sinundo nila ako.. Wala akong balak na sumama sakanila pero sila mapilit kaya wala akong nagawa.. Lumalala na ang ugali nila kaya parang naninibago na ako..

"Anong balak natin sa trial court? Paano kung makalusot yung tatlong yun?" rinig kong tanong ni athena

"Wala naman silang proweba.. At wala rin silang witness kaya mahihirapan sila.. " kampanteng sabi ni ivy kaya napabuga na lang ako ng hangin

"Stress na stress na siguro ngayon si angel.. Tignan lang natin kung sino ang may huling halakhak" matawa tawang sabi naman ni akira at nag tawanan sila

"Dapat pala itinuloy na natin yun.. Edi sana sila ang ama ng magiging anak natin.. " maarteng usal ni ivy habang umiinom pa

"Balak ko naman talagang may mangyari sa'min ni lucas kaso masyadong nakatulog kaya hindi ko kaya mag isa.. " pasimple akong tumingin kay athena ng sabihin nya yun

Hindi sya ang athena na naging kaibigan nung high school pa lang kami.. Napakahinhin nyan at parang dalagang Pilipina ganun din si akira.. Hindi yan palasalita at laging tahimik, palangiti sya noon at makikita mong masaya talaga sya. Si ivy ay sanay na ako sa ugali nya na maarte at mataray pero mas lumala sya ngayon.. Nag bago na ang mga kaibigan ko at hindi ko na alam kung ano bang dapat kong gawin para maibalik sila sa dati.. Nag sampa sila ng kaso kila zeke, lucas at andrew kahit na mali ang isinumbong nila sa pulis.. Hindi ko na sila pinapakialaman dahil marami lang silang masasabi sa'kin..

"Tara sa rest room kailangan kong mag hugas ng kamay.. " aya ni akira kaya wala akong imik na sumunod sakanila

"Napaka tahimik mo ata ngayon sunshine? May problema ba?" tanong ni athena pero ngumiti ako at umiling

"Masama lang ang pakiramdam ko" sabi ko kaya humawak sya sa braso ko

"Masyado ka kasing nag papakatutok sa trabaho mo.. Bakit hindi mo subukan sumama sa'min araw araw?" masayang sabi nya pero nginitian ko na lang

Pag kapasok namin sa cr ay hindi ko inaasahan na makikita ko sila.. Nag huhugas ng kamay sila keila at madison kaya napabuga ako ng hangin dahil mukang away na naman to..

"Talagang ang tibay ng muka mo no? Rape? Ikaw ma re-rape nag papatawa kaba?" sarkastikong sabi ni madison kay ivy kaya nilapitan nya ito

'Kelan ba matatahimik ang lahat?'

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora