Chapter 14: Driving me crazy

2.8K 103 3
                                    

Chloe's POV;

"Chloe.. " nang marinig ko ang boses na yun ay nagising ang diwa ko pero hindi ko agad idinilat ang mata ko

"Chloe gising.. " ramdam kong inuugoy nya ako kaya inis akong dumilat at parang nagulat pa sya

"What?" inis na tanong ko

"Wala ka bang balak gumising?" pag susungit nya kaya inis akong tinalikuran sya at niyakap ang unan ko

"Inaantok pa ako.. Pumasok kana sa trabaho mo" sabi ko at rinig ko ang pag singhal nya

"Baka nakakalimutan mong death anniversary ni papu ngayon.." agad akong natigilan nang sabihin ni clyde yun "Pauwi na sila mommy kasama sila mamu.. Tumayo kana jan" dagdag nya at agad na lumabas

Agad akong umupo at tumingin sa side table, kinuha ko ang picture ni papu at ngumiti..

"6years na pala papu.. Tagal na rin pala simula nung umalis ka, hayss sana nandito kapa.. " sabi ko at binalik ang picture sa side table

Nandito kami ni clyde sa bahay nila mamu kung saan dito lumaki si mommy.. Ayaw na nilang bumalik kami sa condo ni clyde dahil masyado daw delikado, tumayo ako at agad na lumabas.. Sumilip muna ako kung saan ang kwarto ni papu dati at napa buntong hininga na lang, pag baba ko ay naabutan ko si clyde na nag luluto sa kusina kaya umupo ako sa dining area

"Okay naba yang sugat mo?" tanong nya habang nag luluto kaya medyo tinaas ko ang damit ko para tignan ang sugat ko

"Natutuyo na.. Tsk! May sugat na naman ako" inis na sabi ko

"Sa susunod wag mo nang gagawin yun.. Baka matuluyan kapa sa ginagawa mo e" sabi nya kaya sarkastiko akong tumawa

"Kung hindi ko ginawa yun baka ikaw ang may sugat ngayon.. Tsk! Maarte kapa naman" sabi ko at inis nya akong tinignan

"Dibale sana kung malakas yang katawan mo.. Low blood, may asthma tapos mahina pa yang puso mo, baliw ka pala e" sabi nya kaya tumayo ako at lumapit sakanya

"Suntukan na lang?" pabirong sabi ko kaya napangisi sya

"Kawawa ka.. " sabi nya pero inangasan ko sya at mahinang sinuntok ang braso nya kaya agad syang napa tingin sa'kin

"Siguro bading ka no? Tsk! Hanggang ngayon hindi ka pa rin nag kaka-girlfriend nakakapag taka" sabi ko at kunyaring tunatawa, pinatay nya ang kalan at sinalin na ang mga niluto nya

"Baka kapag niligawan ko ang kaibigan mo magulat ka.. " sabi nya at doon ko lang naalala yung kinwento sa'kin ni madison

"Teka.. Nakipag date ka daw kay keila?" nag tatakang tanong ko kaya ngumisi sya at agad ko namang sinuntok ng medyo malakas ang braso nya

"Aray ano ba!" singhal nya

"Wag mong pag ti-tripan si keila babangasan talaga kita!" sabi ko at natawa naman sya

"Ano akala mo sa'kin play boy?" sarkastikong tanong nya kaya napangisi ako

"Bakit hindi ba? Baka nakakalimutan mo nung highschool tayo" sabi ko kaya natawa naman sya

"Napaka tagal na non.. Kasalanan ko bang nag kagusto sila sa'kin?" natatawang sabi nya at umupo na kaya sumunod na ako

"Sinasabi ko sayo.. Kapag may ginawa kang kalokohan siguraduhin mong mabilis kang tatakbo dahil kapag naabutan kita malulumpo ka" sabi ko pero nginisihan nya ako at nag start kaming kumain

"Kalokohan agad? Tsk! Wag ka mag alala wala naman akong balak ligawan yun.. Mukang mag kakabalikan naman sila nung ex nya" sabi nya kaya natigilan ako

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now