Chapter 9: Birthday Party

2.7K 102 7
                                    

Chloe's POV;

Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong kamay sa muka ko kaya naman dahan dahan kong napadilat at nasilayan ko ang pag kalaki laking ngiti ni baby liza

"Hi baby.. " usal ko at pinisil pisil ang mataba nyang pisngi kaya naman napahagikgik sya pero nawala ang ngiti ko nang makita kong may hawak syang marker kaya napatingin ako sa braso kong punong puno na ng sulat

'Nalintikan na!'

"Eun Woo!!" sigaw ko at ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at nanlaki ang mata

"W--wae?" gulat nyang tanong kaya sinamaan ko sya ng tingin

*Translate/Korean*
'W--why?'

"jeongmal?! Wae geunyeoege makeoleul jwoss-eo?!" inis na sigaw ko sakanya kaya napakamot sya sa batok

*Translate/Korean*
'Really?! Why did you give her a marker?!'

" geunyeoneun ulgo iss-eossgi ttaemun-e naneun geunyeoga nol su issdolog makeoleul jueossda" kakamot kamot na sabi nya pinanlakihan ko sya ng mata

*Translate/Korean*
'she was crying so i gave her a marker so she could play'

"Mygod! Eun woo! There's so many stuff toys for her.. Ano akala mo sa'kin sketch pad?" sarkastiko kong tanong pero bumungisngis si baby

"Malapit na kitang pag kamalan na sketch pad" matawa tawa nyang sabi kaya inis akong tumayo at binuhat si baby liza para dalin kay eun woo

Pumasok ako sa loob ng cr at halos man laki ang mata ko nang makitang puro sulat ang muka ko.. Wala na akong nagawa kundi maligo at mag soot ng pormal na damit dahil ngayon ang birthday ni diane, pag labas ko ay naabutan ko si eun woo at si baby liza sa sala kaya tumabi ako sakanila

"Hindi mo ba isasama si baby liza?" tanong ni eun woo kaya umiling ako

"Halatang puro inuman ang magaganap dun dahil sa isang bar gaganapin ang birthday ni diane.. Hindi bagay kay baby liza ang ganung lugar" sabi ko at tumango tango naman sya

"Baka naman mag pakalasing kapa dun.. Hindi kita mapupuntahan" sabi nya kaya pinanliitan ko sya ng mata

"Parang minamaliit mo naman ako" sabi ko kaya nginisihan nya ako

"Parang ang lakas mo naman uminom.. Tsk! Nung uminom tayo ng soju sa korea nakaka tatlong shot ka palang yata lasing kana" pang aasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Pagod kasi ako non! Tsk!" singhal ko kaya natawa sya pero unti unti rin naging seryoso

"Siguradong nandun si damon.. " usal nya kaya napatitig ako sakanya "Alam mong masama sayo ang pag iyak ng sobra sobra.. Baka hindi kayanin nyan" sabi nya sabay turo kung saan nakalagay ang puso

"Sa bala at saksak nga nakakaya nyan.. Iyak pa kaya?" sarkastikong tanong ko at tumawa ng peke

"Pero aminin mong mas masakit ang ginagawa nya kesa sa tama ng bala at pag baon ng patalim sa katawan mo?" seryosong sabi nya kaya ngumiti ako ng peke

"Mas gusto ko pang mamatay dahil sa bala.. Wag lang dahil sakanya" sabi ko pero nginisihan nya ako

"Hindi na ikaw yung nakilala kong Chloe Jane Gonzales Scott na hindi kayang saktan ng kahit na sino.." usal nya kaya napatingin ako sa lapag "Hindi lang ako ang may ayaw na masaktan ka.. Kapag nalaman nila clyde at nila tito ang tinatrato sayo ni damon baka ngayon pa lang bugbog sarado na yun" dagdag pa nya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon