Chapter 22: The Separated Heart

2.8K 89 22
                                    

Damon's POV;

Naidilat ko ang mata ko at napabuga ng napaka bigat na hangin.. Naigawi ko ang paningin ko sa gilid ng kama ko at nakita ko si gogeta kaya napangiti ako ng mapait..

'Bakit ba ako nag kakaganito?'

Kinuha ko si gogeta at niyakap.. Ito ang unang unang stuff toy na ibinigay nya sa'kin.. Tumayo ako at binuksan ang drawer tyaka ko kinuha ang bracelet na ibinigay nya

"Akala ko nakalimutan na kita.. Pero bakit pinapagulo mo yung isip ko?" usal ko at napasulyap kay gogeta "Vegeta okay na ako noon e.. Pero nung bumalik ka.. Gumulo lahat, yung isip ko.. Pati na rin yung nararamdaman ko.. " dagdag ko pa at naidiin ang pag kakahawak sa bracelet

Bumabalik lahat.. Yung sakit, yung hirap, yung nakakagagong pakiramdam.. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip lalo pa't nalayo na naman sya.. Sabi ko sa sarili ko noon hinding hindi na babalik ang nararamdaman ko para sakanya because she almost ruined my happiness.. My life.. Pero ito ako ngayon.. Parang tanga na iniisip sya at may namumuong pag aalala, mali to.. Maling mali dahil girlfriend ko si veronica pero ibang babae ang laging iniisip ko..

"Bruce.. " napatingin ako sa pinto nang may marinig akong boses

"Diane.. " usal ko at ngumiti muna sya bago tuluyang pumasok at umupo sa tabi ko

"Aren't you going to work?" tanong nya kaya umiling ako

"May sakit si ven.. Ako ang mag babantay sakanya.. " sabi ko at pasimpleng inilagay sa drawer ang bracelet na hawak ko

"Nabalitaan ko na sinundo ng US army si chloe.. Masaya kana?" tanong nya kaya kunot noo akong tumingin sakanya

"Masaya?" tanong ko at napangisi sya

"I thought you'd be happy.." usal nya at tinapik tapik ang balikat ko "Sabi mo sa'kin magiging masaya ka kapag nawala sya? Ayan na.. Bumalik na nga sya sa Military at walang kasiguraduhan kung buhay syang babalik.. " dagdag pa nya kaya inis akong tumayo at kumuha ng tubig tyaka uminom

'Hindi sya nakakatulong tsk!'

"If you really love her.. Tell her, before it's too late.." sabi nya kaya inis kong binagsak ang baso na hawak ko

"Hindi ka nakakatulong diane.. Umalis kana" seryosong sabi ko at tatawa tawa syang tumayo at nag lakad pero bago pa sya makalabas ng tuluyan ay nag salita pa sya

"Wag mong intayin na sumuko sya tyaka mo mapapatunayan na mahal mo talaga.. Maraming lalaking pwedeng magustuhan nya.. Pero sa dami ng mga lalaking yun.. Ikaw ang pinili nya" pahabol na sabi nya at tuluyang lumabas kaya inis kong nadampot ang unan sa sofa tyaka ko malakas na naihagis sa veranda

"Damn it!" inis na hinawi ko ang buhok ko at sandali pang napapikit

'Hindi pwede to! Maling mali!'

Ilang minuto pa akong nag stay sa kwarto at bumaba na para ipag luto ng pagkain si ven.. Umalis na si diane dahil may duty pa sya at ang pamangkin ko ay nasa bahay na nila.. Nang matapos ako mag luto ay dumeretsyo ako agad sa kwarto ni ven dala dala ang tray.. Pag pasok ko dun ay balot na balot sya ng kumot kaya lumapit agad ako. Pawis na pawis sya at namumutla pa ang muka kaya kumuha ako ng pamunas at agad syang pinunasan

"Bruce.. " dahan dahan nyang idinilat ang mapupungay nyang mata

"Nag luto ako.. Kumain ka muna" alok ko sakanya pero imbis na sumagot sya ay hinawakan nya ang kamay ko at inilagay yun sa pisngi nya na para bang dinadama pa nya

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin