Chapter 10: Black Horizon

2.6K 96 1
                                    

Someone's POV;

Bumukas ang pinto at pumasok ang pinag kakatiwalaan kong tauhan.. Yumuko muna sya bago nag salita

"Nahanap napo namin kung saan nakatira ang babaeng pinapahanap nyo" sabi nya kaya unti unting gumuhit ang ngiti sa labi ko

"Magaling.. Ayoko ng pumalpak ngayon dahil masyado ng maraming pag kakataon para mapatay sya pero dahil sa mga katangahan nyo hindi ko nagawa!" sigaw ko at napayuko naman silang lahat

Tumayo ako at lumapit sa Digital Security Box tyaka ko tinype ang password at binuksan.. Napangisi ako at kinuha ang pinaka iningat ingatan ko nang napaka tagal na panahon

"Mas mabuting unahin na natin ang babae.. Tyaka ko isusunod ang lalaking yun.. " sabi ko at inikot ikot ang dragon crown

"Ayon po sa pag iimbestiga nila ay kasama din po nila ang anak ni luna.. " sabi nya kaya natigilan ako at ibinalik ang dragon crown sa box tyaka ko yun isinara

"Magandang balita yan.." sabi ko at kinuha ang coat ko tyaka yon isinuot "Ayusin nyo na ang sasakyan.. At dalin nyo ako kung saan naninirahan ang matibay na babaeng yun" sabi ko at sumunod na sila, nag lakad na ako palabas at agad na ngumisi

'Sulitin mo na ang natitira mong oras bata.. '

Chloe's POV;

"Mag dadatingan ang mga pinsan ko.. Anong sasabihin ko about kay baby liza?" nag aalalang tanong ko habang buhat buhat ang bata

"Edi ipaliwanag mo sakanila yung totoo.. Dalawang linggo na sa'tin si baby liza hindi pa rin kinukuha" sabi ni eun woo habang inaayos ang necktie nya

"Nag aalala ako.. "

"Sa sasabihin ng nga pinsan mo? "

"Hindi.. Nag aalala ako sa baby liza, mukang delikado sya" sabi ko at inilapag sya sa higaan

"Mas magiging delikado sya kapag tumagal pa sya sayo.. Alam mo namang pinag hahanap kana ng horizon" sabi nya at isinuot ang coat "Ni hindi natin alam kung saan talaga nanggaling si baby.." dagdag pa nya

"Eh may gustong pumatay sakanya diba?" tanong ko at ngumisi sya

"May gusto ring pumatay sayo.." sabi nya kaya napailing ako, maya maya pa ay nag ring ang phone ko

*Clyde's Calling*

"Akala ko ba busy to?" tanong ko kay eun woo habang pinapakita ang phone ko pero nag kibit balikat lang sya, lumayo ako saglit tyaka ko sinagot

"Hel--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko

"Chloe makinig ka sa'kin! Umalis na kayo jan sa condo ngayon na!" sigaw ni clyde at parang nasa daan sya

"Bakit anong meron?" aligagang tanong ko at biglang may narinig akong putok ng baril sa labas kaya agad akong napatingin kay eun woo

"Natunton kana ng horizon! Dalian nyo!" sigaw pa nya kaya agad kong pinatay ang tawag

"Buhatin mo si baby liza! Kailangan na nating umalis dito.. Nandito na ang horizon!" sabi ko at gulat syang kinuha si baby liza

Binuksan ko ang cabinet ko tyaka ko kinuha ang baril para in case of emergency.. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nang masiguradong walang tao ay pinalabas ko na agad si eun woo.. Dadaan na sana kami papunta sa elevator ng makita ko ang tauhan ng horizon

"Owsh*t! Dun.. Dun tayo sa hagdanan dumaan" sabi ko at patakbo kaming pumunta don, mabilis kaming nakababa

"Ito na nga ba yung sinasabi ko e.." sabi ni eun woo at biglang may narinig kaming putok ng baril sa loob at mga hiyawan ng tao.. Papunta na kami sa parking lot at nakita naming may dumadating ng pulis

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now