Chapter 8: Love

2.9K 105 7
                                    

[A/N: SPG ALERT!! BAWAL SA MGA INOSENTE! (。-_-。)!]

Andrew's POV;

"Wala ba kayong trabaho at nandito na naman kayo?" tanong ni damon habang nasa loob kami ng elevator

"Boring sa opisina.. Wala naman na akong masyadong ginagawa" sabi ni zeke

"Tsk! Kaya nambubwisit kayo?" sarkastikong tanong ni damon kaya napailing ako

"Parang hindi kana nasanay.." usal ko pa at biglang bumukas ang pinto kaya lumabas na kami

Binabati kami ng mga empleyadong nakakasalubong namin at ang iba pa don ay parang kinikilig pa.. Nang makapasok kami sa opisina ni damon ay umupo kaming tatlo sa sofa habang si damon ay dumeretsyo sa lamesa nya at pumasok naman ang secretary nya

"Kanino galing to? Wala naman akong inutos.." sabi ni damon kaya napatingin kami sa hawak nyang coffee

"May nag punta po ditong babae at sinabi nyang ilagay ko daw po sa lamesa nyo.. At may iniwan din po syang letter" sabi ng secretary nya at kinuha naman ni damon ang letter na nasa table din nya at agad na binasa yun pero unti unting kumunot ang noo nya

"Itapon mo yang kape na yan.. Hindi ko kailangan nyan" seryosong sabi ni damon kaya kinuha na ng secretary nya ang kape at agad na lumabas.. Nakita ko pang nilamukos nya ang papel na hawak nya at inis na tinapon yun sa lapag kaya tumayo si lucas at kinuha ang papel tyaka binasa

"Kay chloe galing kape? Bakit hindi mo ininom?" tanong ni lucas

"Ano naman kung sakanya galing? Hindi nya ako madadaan sa mga ginagawa nya" inis na sabi nya at napa ngisi naman si zeke

"Alam mo dre.. Sya si chloe.. Na hindi ko aakalaing bibitawan mo agad" sabi ni zeke kaya napatingin si damon kaya pinag krus ko ang braso ko

"Sabihin na nating iniwan ka nya ng halos limang taon.. Pero binalikan ka dre" sabi ko kaya napsinghal sya

"Tsk! Ni hindi nga sya makapag bigay ng magandang rason sa'kin kung bakit sya umalis.." sabi nya at naagaw ng pansin ko si lucas na ipinasok ang dalawang kamay sa bulsa nya

"What if.. What if napaka private ng reason nya kung bakit sya umalis kaya hindi nya masabi sayo" sabi ni lucas, sa hindi ko malamang rason ay nag katinginan kami ni zeke

'Hindi alam ni damon ang pagiging mafia ni chloe.. Hindi kaya? Hindi kaya dahil sa pagiging mafia nya kung bakit sya umalis?'

"Wala na akong pakialam sa reason nya.. Mukang masaya naman sya sa koreno na yun e!" singhal ni damon kaya napangisi ako

"Nakita ko si chloe na umiiyak nung gabi ng reunion natin.. Nanggaling sila ni eun woo sa pinanggalingan nyo ni ven.." sabi ko at napatingin sya sa'kin

"At satingin ko dre hindi basta basta umiiyak si chloe.. Mukang may nakita sya.." dagdag pa ni zeke kaya narinig ko ang pag singhal ni damon

"Bakit ba tumitigas yang puso mo? Hindi ka naman dating ganyan" singit naman ni lucas

"Bakit ba parang ako yung may kasalanan dito? Baka nakakalimutan nyo iniwan ako ng halos limang taon" inis na sabi ni damon kaya napailing ako

"Ang sa'min lang dre.. Parang sumosobra kana.." sabi ko at tinignan sya ng seryoso "Mahal mo pa ba?" dagdag ko pa kaya unti unting kumunot ang noo nya

"Ilang beses ko bang sasabihin sainyong ayoko na.." sabi nya kaya napangisi ako

"Oo o hindi lang ang isasagot mo dre.." sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Where stories live. Discover now