Chapter 46: THE ENDING PART 1

4K 101 15
                                    

2 weeks before the wedding..

Damon's POV;

"Baka mamaya may lalaki dun ah!" singhal ko at tinaasan naman nya ako ng kilay

"Eh! Sainyo?" taas kilay na tanong nya at ngumisi "Hindi malabong may babae din sa stag party nyo.." dagdag pa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin

"Si lucas at clyde ang best man natin sa kasal.. Wala kabang tiwala sakanila?" tanong ko pero bumuga sya ng hangin

"Si keila din ang bridesmaid natin.. Wala ka rin bang tiwala sakanya?" tanong nya pabalik kaya napahilamos ako ng muka

"Aysh! Kapag nalaman kong may lalaki dun pupunta talaga ako" sambit ko

"Edi pumunta ka tsk!" singhal nya "Sige na ako na lang ang iniintay don" dagdag pa nya kaya napabuntong hininga ako

Nakasuot sya ng floral dress so paanong hindi ako mababaliw diba? Tsk!

"Hindi kaba talaga mag papalit ng damit?" tanong ko pa bago sya makaalis

"Ano ba'ng problema sa damit ko? Diba ganyan naman ang mga tipo mo?" sarkastikong tanong nya kaya nag palipat lipat ang tingin ko sakanya at sa malayo

"Noon yun.." mahinang usal ko at tinuro ang hita nya dahil ang dress na yun ay hanggang ibabaw ng tuhod nya "Tulad nyan.. Ayokong nakikita yan ng ibang tao tsk! Mas ayos pa ako sa pants o kaya jogger pants mo na parati mong sinosoot.. " dagdag ko pa at halatang nauubusan na sya ng pasensya dahil nag papa-padyak na ito

"So what do you want me to do huh?! Mag pajama ako don?" inis na tanong nya kaya hinawakan ko ang kamay nya dahil alam kong napipikon na sya

"Osige na.. Hayst! Ano pa nga ba magagawa ko?" sambit ko at napapabuga na lang ng hangin dahil alam kong sa huli ay talo din ako

"I love you.. " agad akong napatingin sakanya nang sabihin nya yun at nakangiti na sya pero bago pa ako makasagot ay tumingkayad sya at pinatakan ako ng halik sa labi "Wag kayong gagawa ng kalokohan dun ah.. Nandun pa naman sila daddy, clyde at eun woo isama mo na sila zeke at andrew tsk!" dagdag pa nya at agad na pumasok sa loob ng sasakyan nya.. Bumusina pa muna sya bago tuluyang umalis kaya napailing na lang akong pumasok sa sasakyan ko

Agad akong dumeretsyo sa binigay na address ni lucas kung saan doon gaganapin ang stag party. Ilang linggo na lang ay ikakasal na kami ni chloe at napaka saya sa pakiramdam lalo pa't naayos na ang lahat lahat ng kailangan.. Ilang minuto lang ay nakarating agad ako at nasa labas pa lang ay rinig ko na ang boses nila at syempre nangingibabaw ang boses ni zeke kaya nang makapasok ako ay agad na kumunot ang noo ko

"Oh! Nandito na ang groom!" masayang sambit ni zeke na naka piccolo costume

"Sa wakas at dumating kana! Akala namin nilamon kana ng lupa ah!" dagdag pa ni andrew na naka majin buu costume at gustong matawa sakanilang lahat

Si lucas ay naka broly costume at lahat yata ng mga hero sa Dragon Ball ay soot soot nila ultimi sila Daddy, Tito Clarck, Daril, Clyde, Eun Woo at pati na rin ang mga pinsan nyang sila Inigo, Marcus, Caleb ay ganun ang costume pero nagulat pa ako nang hagisan ako ni lucas ng costume at tinignan yun

'Costume ni Goku to ah.. '

"Pinasadya ko talaga ang lahat ng costume na yan.." nakangising sambit ni lucas at mas lumakas ang tawa ni zeke

"Lakas nyong mag tawagan ng Goku at Vegeta ah! WAHAHAHAHA!!" Humahagalpak na sambit ni zeke kaya napapailing ako

"Bakit nga ba ganun ang tawagan nyo?" pag tataka ni tito clarck kaya napa himas ako ng batok

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ