Chapter 15: Date!

2.7K 92 7
                                    

Chloe's POV;

Dahan dahan kong naidilat ang mata ko at inilibot ang paningin.. Pero nag taka ako dahil nandito ako ngayon sa kwarto ko

'Anong nangyari?'

"Buti nagising kana.. " napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si eun woo na papalapit sa pwesto ko kaya umupo ako

"Paano ako nakarating dito?" tanong ko pero bago pa sumagot si eun woo ay bumukas ang pinto at pumasok si daddy

"Hinatid ka ni eun woo dito.. Naabutan ka daw nya sa duyan na nakahiga at basang basa sa ulan.. Mag pasalamat ka at sya ang nakakita sayo" sabi ni daddy at inabot ang tasa sa'kin "Inumin mo yang gatas hanggat mainit pa" dagdag pa nya kaya kumunot ang noo ko

"I--ikaw yung kasama ko kagabi?" kunot noong tanong ko at tumango sya

"Bakit ba nag papaulan ka ng ganon.. Ayan nilagnat ka tuloy" usal ni eun woo pero iniwas ko ang paningin ko

'Hindi.. Si damon ang nakita ko non'

"Maiwan ko muna kayong dalawa at ipapacheck muna namin ang mamu mo.. " sabi ni dad kaya tumango ako

"Take care.. " sabi ko at tuluyan na syang lumabas kaya binaba ko ang tasa at humarap kay eun woo

"Sigurado ka bang ikaw ang kasama ko kagabi?" pag tataka ko at parang nagulat pa sya

"O--oo bakit may problema ba?" tanong nya kaya napakamot ako sa ulo ko

'Kung sya nga yon.. So nananaginip lang ako kagabi? Imposible! Parang totoong totoo yung halik e!'

"Pero teka.. Paano mo nalaman na nandon ako? Hindi pa naman kita dinadala don ah!" pag tataka ko kaya iniwas nya ang paningin nya sa'kin

"Nadaan lang ako sa lugar don.. Sakto pinapahanap ka sa'kin ng daddy mo at nakita kita don" sabi nya kaya napabuga na lang ako ng hangin sa pag kadismaya

"Akala ko sya na nga yun.. " mahinang usal ko

"Ano?" tanong nya kaya umiling lang ako

"Wala.. Haysst!" sabi ko at inis na tumayo tyaka ako dumeretsyo sa banyo

Ginawa ko na ang routine ko at agad na bumaba.. Nandon na rin si eun woo, ang mga tito, tita at mga pinsan ko ay nag si uwian na sakani-kanilang bahay kaya ang natira lang dito ay si mommy,daddy,mamu si clyde at ako

"Birthday pala ni eun woo ngayon.. Bakit hindi mo sinabi sa'kin ng nabilhan ko sana ng regalo" sabi ni mommy kaya kumunot ang noo ko at tinignan ang date

'Hala! Oo nga nakalimutan ko!'

"I forgot.. I'm sorry" sabi ko at nag peace sign kay eun woo

"Kulang yung sorry.. " sabi nya kaya tumaas ang kilay ko pero ngumisi sya

"Ano na namang trip mo?" inis na tanong ko pero tumingin sya kay daddy

"Tito pwede ko po bang i-date si chloe?" tanong nya kay dad at natawa si mamu

"Ayy nako hijo pwedeng pwede! Kaso baka mag selos naman ang nobyo nya?" sabi ni mamu kaya nag katinginan kami ni eun woo

"H--hindi po yun.. " sabi ko at tumango tango pa si eun woo

"Sige na.. Sumama kana kay eun woo" sabi ni dad kay napabuntong hininga na lang ako

Nag palit ako ng damit tyaka ako sumama kay eun woo.. Si clyde ay may trabaho kaya maagang umalis habang si mommy at daddy ay maiiwan sa bahay para mabantayan si mamu.. Sinama muna ako ni eun woo sa office nya dahil may kailangan pa syang gawin pero ang sabi nya ay sandali lang daw yun kaya pumayag na akong sumama.. Pag karating namin don ay nailibot ko ang paningin ko.. Maganda ang pag kakadisenyo ng bawat sulok kaya nakakarelax

Fight For My Way [The Last Stand Mafia Queen] BOOK2 (COMPLETE) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ